Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kapag Nahati Ang Puso Sunshine Cru
Kapag Nahati Ang Puso Sunshine Cruz

Sunshine Cruz, grateful sa career at sa personal niyang buhay

PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ng versatile actress na si Sushine Cruz. Kilala rin bilang Hot Momma, napapanood ngayon si Ms. Sunshine sa TV series ng GMA-7, titled Kapag Nahati Ang Puso na napapanood tuwing 11:15 am, bago mag-Eat Bulaga.

Kasama niya rito sina Bea Binene, Benjamin Alves, Bing Loyzaga, David Licauco, Zoren Legaspi at iba pa.

Bukod sa teleserye sa Kapuso Network, may gagawin din siyang project para sa iflix Asia. Pati sa pelikula ay in demand din ang magandang aktres.

Saad niya, “May movie ako with Kiko Estrada and Martin Del Rosario directed by Direk Adolf. My stepmother’s Lover ang title. I think I have 2-3 remaining shooting days. ‘Yung sa iflix naman po mag-uumpisa na next week. Looking forward and excited. Work is always a blessing po para sakin at sa mga anak ko.”

Nabanggit din niyang nakatakda silang bumiyahe sa Korea bago matapos ang buwan. “Paalis po kami ng Korea sa October 27. First out of the country travel ko kasama ang three girls ko, kaya siyempre more work, more fun for us.”

Sinabi rin ni Ms. Shine na thankful siya sa mga nangyayari ngayon sa kanyang buhay.

“Happy naman po ako sa career kasi blessed po ako with work. Sobrang grateful ako kasi laging may work, at sa personal na buhay, I have three smart and wonderful kids na sobrang mahal ako at siyempre, mahal na mahal ko rin.

“My life is not perfect of course pero masaya po ako sa lahat ng blessings na patuloy na dumarating sa akin. Inilalapit din po ako sa mga tao na makai-inspire sa akin to always be a better version of myself and inilalayo ako sa mga tao na hindi makatutulong sa growth ko bilang tao,” masayang sambit ni Ms. Shine.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …