Wednesday , May 7 2025

Kandidato sa narco-list at katiwalian pipigilan

NAIS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pigilan ang pagtakbo sa halalan sa 2019 ng mga lokal na opisyal na sina­bing kasama sa ‘narco-list’ ng gobyerno at mga sangkot sa kasong korup­siyon.

Ayon kay DILG officer-in-charge Eduardo Año, may 93 lokal na opisyal sa drug list ng Philip­pine Drug Enforce­ment Agency (PDEA). Limampu’t walo raw rito ay mga mayor.

Nangangamba si Año na maaaring magsagawa ng vote buying sa bisa ng drug money, o perang nakukuha sa mga drug operations na kinasasangkutan umano ng mga lokal na opisyal, sa darating na halalan.

“Ang danger kasi riyan kung talagang involved sa drugs at gina­gamit nila ang drug money para manalo at bumili ng boto,” aniya sa press conference nitong Martes.

Balak din ng DILG na isama sa kanilang reko­mendasyon ang 250 pang lokal na opisyal na iniim­bestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Irerekomenda raw nila ito sa Commis­sion on Elections (Comelec).

“There are so many local government treasu­rers that are being sum­moned, as well as local chief executives, para mag-explain, from there we will determine if we have a strong case, then we will file a case sa Ombudsman,” aniya.

Sa pag-aaral ng DILG noong 2013, nasa P30 bilyon ang nawala dahil sa korupsiyon sa hanay pa lamang ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay DILG for Operations Under­secre­tary Epimaco Densing III, umakyat sa halos P70 bilyon ang nawawala dahil dito kada taon, bagay na magagamit daw sana para mabawasan ang kahirapan sa bansa.

“As of today, ang estimate, nasa P70 billion a year ‘yan, kasi ang korupsiyon sa local level business as usual… ‘yung P70 bilyon kung ginamit mo nang tama sa tao it could reduce poverty incidence by 1.5 percent.” sabi ni Densing.

Ngunit hindi sumang-ayon ang Comelec sa binabalak ng DILG at sinabing hindi sapat na batayan ang pagkaka­sama sa drug list o pagka­kadawit sa korupsiyon para hindi payagan ang taong gustong tumakbo sa halalan.

“Being on the drug list or being suspected of corruption is not on the list of justifications for dis­qualification,” ani Come­lec spokesperson James Jimenez.

About hataw tabloid

Check Also

Marikina Comelec Maan Teodoro Marcy Teodoro

AICS, medical assistance ipinamudmod
MAAN AT MARCY ‘DINAGUKAN’ NG COMELEC SA TALAMAK NA VOTE BUYING
May DQ na, may Show Cause Order pa

KASUNOD ng disqualification case, binulaga ang mag-asawang Teodoro ng Marikina City nitong Martes, 6 Mayo …

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *