Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wild and Free Sanya Lopez Derrick Monasterio Ashley Ortega Connie Macatuno

Direk Connie, ibabalik ang sexy movie

NAGIGING kaabang-abang ang mga pelikulang isinasalang ngayon sa mga sinehan. Lalo na kung ang tema ay may kinalaman sa mga relasyon.

Come October 10, 2018 ang pinaglalawayan ng trailer sa mga sinehan eh, mangingiliti na sa mga sinehan as Regal Entertainment brings us Wild and Free.

Bida rito sina Sanya Lopez at Derrick Monasterio with Ashley Ortega sa direksiyon ni Connie S.A. Macatuno.

Natuwa naman ang press sa mga bida dahil sa pagpapakatotoo nila sa mga sagot nila sa mga tanong sa kanila.

No qualms, inamin ni Derrick na hindi man niya pinatulan ang pagre-react ng kanyang katawan sa maiinit na eksena nila ni Sanya, inisip niya ang bilin ni Direk Connie, alagaan niya si Sanya.

“Lalaki naman ako. Natural lang ‘yun. Napigilan naman.”

Inamin din nito na pinantasya niya si Sanya pero hindi na nito idinetalye ang naglaro sa isipan.

Maniniwala ka naman sa virgin at 22 na si Sanya na hindi niya na naisip na pagpantasyahan si Derrick.

“Naaalala ko kasi ang kapatid ko (Jak Roberto) sa mga abs niya. Pero in case na mag-focus na ako sa manliligaw sa akin, baka sa next year na mangyari. Mahirap pagsabayin. Ngayon pa lang ako kumbaga, lilipad.”

Ang take naman ni direk sa kanyang proyekto eh, ang makapagsimula ng trend sa pagbabalik ng mga sexy na may senswalidad na pelikulang may matinong tema.

“At one point in our lives, may panahon na biglang nasa mukha na pala natin ang isang nakaraan. How do you deal with that? ‘Yun ang naglaro sa mga karakter natin sa istorya. Ikaw, ano ang mga naaalala at binabalikan mo sa inyo ng ex mo? Kung makita mo siya uli o makasama? Depende. Eh ‘yung mga eksenang ‘di mo inisip na magagawa mo. Sa kotse? Sa ibabaw ng washing machine. Kung saan-saan. Were you wild once in your relstionship? Kailan mo nasabing wild and free ka? Maraming layers ‘yung characters, eh. Pero mabubuking lang kapag pinanood na.”

That we have to see!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …