Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andeng Ynares Sharon Cuneta
Andeng Ynares Sharon Cuneta

Nakababatang kapatid ni Bong, Sharonian

SHARONIAN pala si Ms Andeng Ynares kaya hindi niya pinalampas na hindi mapanood ang My 40 Years concert ni Sharon Cuneta nitong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum kasama ang mga kaibigan.

Nakita kami ng tita nina Bryan, Luigi, at Jolo Revilla habang papunta siya sa ladies room at niyakag kami sabay tanong, “Sharonian ka ba? Alam mo ba, pelikula lang ni Sharon ang pinanonood ko simula bata ako?”

Walang pelikula, concerts o television shows ni Sharon na hindi pinanonood ng wifey ni Antipolo City Mayor Junjun Ynares dahil gustong-gusto niya ang Megastar.

Mukha naman dahil may napanood kaming video na nagdiwang ng kaarawan niya si Ms Andeng noong 2009 at isinabay ang selebrasyon para sa mga kababayan nila sa Rizal noong gobernador pa ang asawa.

Kinanta nito ang Pangako Sa ‘Yo at nag-dueto naman silang mag-asawa sa Kahit Maputi na ang Buhok Ko at Ikaw Lang Ang Aking Mahal.

Anyway, punong abala naman si Ms Andeng sa promo ng pelikulang Tres na action trilogy na pinagbibidahan ng mga pamangkin niyang sina Bryan(Virgo), Luigi (Amats), at Jolo (72 Hours) kasama niya ang kuya Marlon Bautista na laging kinukulit ni Senator Bong Revilla tungkol sa pelikula.

Sa Oktubre 10 naman mapapanood ang Tres kasama sina Rhian Ramos, Myrtle Sarossa, at Assunta de Rossi na produced ng Imus Productions at ire-release ng Cine Screen under Star Music.

Kagabi, Setyembre 30 naman ginanap ang premiere night ng Tres sa SM Megamall Cinema 7.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Nakababatang kapatid ni Bong, Sharonian
Nakababatang kapatid ni Bong, Sharonian
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …