Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino

Kris, aminadong wasak na wasak, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

“H IRAP na hirap po ako na may mga pinagtakpan sa inyo.” Ito ang bungad na post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram, Martes ng gabi kasama ang photo slides ng larawan ni Kris kasama ang kanyang inang si dating Pangulong Cory Aquino at amang si dating Sen. Benigno Aquino Jr. gayundin ang mga larawang nagpapakita ng kanyang kapayatan dahil sa kulang na tulog sanhi ng problemang kinakaharap.

Kasama sa slides ang salitang, “Turn the pain into power.” At ang caption na, “Pinayuhan akong manahimik hanggang ma kumpleto ang due diligence. I’ve always been HONEST, sometimes to a fault,” na ipinakakahulugang tumutukoy sa taong malapit at nanloko sa kanya.

Inamin ni Kris ang dahilan ng hindi niya pagpo-post ng pictures o anuman sa kanyang social media account. Iyon pala ay ang pangangayayat niya dahil sa hindi makatulog at pagkain ng tama.

Aniya, “The reason you haven’t seen me post new pics is because i lost weight in the last 6 weeks, unable to eat or sleep properly..”

Kung ating matatandaan, nag-post kamakailan si Kris ng ukol sa taong pinagkatiwalaan niya na nanloko sa kanya. At ito ang rason kung bakit bumagsak ang kanyang katawan.

Isiniwalat ni Kris na nasasangkot siya ngayon sa isang problema na maaaring mawala sa kanya ang pinagpagurang pera na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso. Ito ay dahil sa panloloko sa kanya ng isang taong pinagkatiwalaan niya.

“My PAIN comes from my fear that tens of tax paid millions from my sons’ trust funds, money i conscientiously saved for them because i made a deathbed promise to my MOM that Kuya Josh & Bimb will always come first, baka mawala lahat ng pinagpaguran ko para sa kanila. It is WRONG that the 2 BOYS I LOVE MOST, MY LIFE’S MEANING & INSPIRATION may suffer consequences because i was targeted & deceived by a person with no conscience.

Sinabi pa ni Kris na, “I am now broken.” Pero dahil na rin sa mga paghanga at tiwala, nagdesisyon siyang ibahagi ang kung ano ba talaga ang nangyayari o nakaaapekto sa kanya.

Aniya, “you told me that you admired my STRENGTH- natakot akong baka mawala ang bilib nyo sa kin because i am now broken. But i decided to set myself free & share w/ you what affected me. My family advised me to have FAITH in our legal system. I am grateful to Atty Sig Fortun for taking care of me over 15 years, and i’m fortunate to now have Atty Florin Hilbay as part of my legal team.”

“Broken trust is like shattered glass, as you try to pick up the pieces, your wounds bleed even more.

Iginiit pa ni Kris na ipinaubaya na niya ang settlement o legal battle sa kanyang mga abogado.

“The settlement or legal battle will now be in the hands of lawyers i RESPECT, auditing and accounting firms i TRUST, the word of honor of his deeply shamed mother & sister that all my investments shall be returned, and our collective PRAYERS that JUSTICE for my sons will prevail… Everything happens for a reason-maybe God made me experience this humiliation for me to have first hand experience na niloko ako sa pinaghirapan kong pera- dahil nga may BOSES ako at yung boses na yun dapat gamitin para MAGSALITA at IPAGTANGGOL ang mga napipilitang manahimik. I will continue to believe: ang TAMA NILALABAN.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Date ni Piolo sa ABS-CBN Ball, inaabangan
Date ni Piolo sa ABS-CBN Ball, inaabangan
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …