Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luigi Revilla
Luigi Revilla

Luigi Revilla, lulutang sa Tres, pang-action star ang hitsura at porma

SA totoo lang, naniniwala kaming lulusot bilang action star si Luigi Revilla, na kasama ng kanyang mga kapatid na sina Jolo at Bryan sa pelikula nilang Tres.

Sinasabi ng iba na mukhang hindi masyadong matangkad si Luigi, eh bakit kailangan bang matangkad ang isang action star? Bakit matangkad ba naman si Coco Martin? At ang advantage pa ni Luigi, isa siyang blackbelter at talagang enthusiast ng mixed martial arts. Expert siya sa Muay Thai, judo, karate at iba pang Asian fighting technique.

Napakalaking advantage niyan dahil tiyak na may maipakikita siyang hindi magagawa niyong mga artistang tinuruan lamang ng routine.

Iyon nga lang, minsan dahil totoong laban ang alam niya, minsan hindi naman niya matantiya ang routine nila, kaya nagkakatamaan nang hindi naman sinasadya, nabungi nga lang ang isang kaeksena niya.

Ang isa pang sinasabi nilang advantage ay napaka-wholesome ng dating ni Luigi. Pogi kagaya ng tatay niya at mahusay magdala ng damit. Mukhang disente pati, pero lalaban sa action. Iyan iyong matagal na nating hindi nakikita sa mga nag-aambisyong maging action star.

Hintayin natin iyang Tres, at ang paniwala namin lulutang nang husto iyang si Luigi sa pelikulang iyan. Mukhang action star talaga eh.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …