Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Topel Lee Pepe Herrera Ritz Azul The Hopeful Romantic
Topel Lee Pepe Herrera Ritz Azul The Hopeful Romantic

Direk Topel Lee, na-miss ang paggawa ng comedy

MAS tumatak o kilala bilang horror director si Topel Lee kaya naman nanibago kami na siya ang nagdirehe ng bagong handog ng Regal Entertain­ment Inc., ang romantic comedy movie na The Hopeful Romantic na pinagbibidahan nina Pepe Herrera at Ritz Azul na mapapanood na sa September 12.

Bloody Crayons ang huling horror movie niya samantalang My Kuya’s Wedding naman ang unang comedy film na ginawa niya sa ilalim din ng Regal.

“Actually, ‘yung cartoon script ko rin naman sa Inquirer is comedy. So ang roots ko naman is comedian dahil ‘yung tatay ko ay nag-stand up comedian,” kuwento ni Direk Tofell. “Kaya naalala ako ni Roselle (Monteverde) para sa pelikulang ito dahil nga ako rin ang nagdirehe ng My Kuya’s Wedding.”

Aminado si Direk Tofell na na-miss niya ang paggawa ng comedy at ang Regal ang nagbigay sa kanya ng opportunity na ito.

Kuwento ni Direk Tofell, matagal na nilang pinag-uusapan ang pelikula at si Pepe na talagang nasa isip nila para magbida.

“Si Pepe is a very normal guy. Hindi siya guwapong-guwapo. Hindi naman kailangan laging guwapo ang magbida,” giit ng director. “Very talented si Pepe,” dagdag ni Tofell.

Sinabi pa ni Direk Tofell na hindi siya nahirapang idirehe si Pepe dahil natural na komedyante ito.

“Medyo kumakanto lang minsan. Kasi sa teatro, ‘di ba ang laki sobra ng movement. At ang movement ni Pepe, sobrang laki.

“Nakabasag nga kami sa room sa Manila Hotel, sa MacArthur Suite ng isang gamit dahil sa kakulitan ni Pepe. Tinamaan niya. Nahulog. Mabuti na lagn at hindi antique ‘yun. Nag-offer naman si Pepe na siya ang magbayad.

“Lagi ko siyang sinasabihan na ‘Pepe ‘wag masyado mataas,’ pero ginagawa pa rin niya,” mahabang kuwento ng director.

Pero eventually naman ay nakapag-adjust na si Pepe. “May momentum na kailangan may time na minsan may drama na binabale naming ang sequence. Next sequence kailangan masaya siya. So siya dapat mag-adjust.”

Ukol naman sa kung may chemistry sina Pepe at Ritz, sinabi ni Direk Tofell na, “Na-achieve naman naming ‘yung gusto naming makuha nila sa pelikula. Very romantic na na-inlove sa isa’t isa. At habang pinanonood naming sila, tawang-tawa talaga kami.”

Idinagdag pa ng director na maraming kissing sina Pepe at Ritz at hindi niya masabi sa amin kung ilan iyon.

Basta, abangan ang pelikulang The Hopeful Romantic na tiyak masisiyahan ang sinumang manonood nito.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Carlo at Angelica, pag-asa ng mga umaasa
Carlo at Angelica, pag-asa ng mga umaasa
Angelica, naiyak sa reaction ng tao sa teaser
Angelica, naiyak sa reaction ng tao sa teaser
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …