Friday , November 22 2024

Piñol pakainin ng bigas na may bukbok

PAKAKAININ ni House Minority Leader Danilo Suarez si Agriculture Secretary Manny Piñol ng bigas na may bukbok araw-araw para maram­daman niya ang mga sinabi niya na pwede pang kainin ang ganoong klaseng bigas.

Ayon kay Suarez, “conduct unbecoming of a cabinet official” ang sinabi ni Piñol.

“That [statements made by Piñol] is a conduct unbecoming of a Cabinet official. Kakain siya ng bukbok? E paka­inin ko kaya siya ng buk­bok araw-araw, tignan natin, anong maram­da­man niya,” ani Suarez kahapon sa isang news conference.

Sa panig ni Rep. Lito Atienza ng Buhay party-list, sinabi niyang walang ginagawa ang depar­tamento ni Piñol sa kaku­langan sa bigas habang ang National Food Au­tho­rity (NFA) at ang NFA Council ay nagtuturuan kung sino ang may kasa­lanan sa pagka-delay ng rice importations.

Hindi, ani Atienza, tayo puwedeng umasa sa mga opisyal ng NFA at NFA Council.

“Dapat nag-resign na sila at bigyan ng pagka­kataon ang iba na ayusin ang problema sa bigas,” ani Atienza.

Aniya, dapat nang pag-isipan ni Pangulong Rodrigo Duterte isang “drastic solution” sa problema.

Sa ngayon si Rep. Alfredo Garbin ng Ako Bicol party-list, na dapat mag-resign na sila Piñol, NFA administrator Jason Aquino at ang NFA Council head sa kabiguan na bigyang solusyon ang kakulangan sa bigas na nagresulta sa pagtaas ng presyo nito.

Ginawa ang pana­wagan, matapos sabi­hin­ ni Piñol na ang im­ben­taryo ng bigas ay na­sa 1,320,927 metric tons lamang at tatagal nang 40 araw imbes 90 araw alinsunod sa batas.

Ayon kay Piñol, pa­yag siyang kumain ng bigas na may bukbok na inangkat mula sa Thai­land pagkatapos itong i-fumigate.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *