Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janine, Lois Lane ng ‘Pinas

 

REPORTER ang role ni Janine Gutierrez sa Victor Magtanggol, kaya ang iba ay binansagan siyangLois Lane ng Pilipinas.

Si Lois Lane ang reporter na love interest ni Superman.

“Talaga ba,” at tumawa si Janine.

May peg ba siyang female reporter; may pinanood ba siya?

“Ang gusto ko po talaga kasi na chemistry sa mga superhero leading lady ay si Emma Stone.”

Si Emma ay gumanap bilang Gwen Stacy na love interest ni Spider-Man na ginampanan naman niAndrew Garfield noong 2012.

Nagkataon naman na si Gwen Regalado ang pangalan ng karakter ni Janine sa Victor Magtanggol.

“Nasa characteristic din niya na palaban, hindi susuko, kailangan i-expose ang tama, ganoon din ‘yung character ni Gwen, ayun pareho pa sila ng pangalan, Gwen.”

Dagdag na kuwento pa ni Janine, ”Actually tinext ko talaga si Mav Gonzales, isa siyang field reporter, anchor dito sa GMA, classmate ko kasi siya sa Ateneo so, bago mag-start ‘yung taping, tinext ko talaga siya, ‘Uy Mav, ano ba ang suot ng mga reporter,  ano bang uniform ninyo?’

“Simpleng tanong lang pero… tapos pinapanood ko rin ‘yung Youtube clips ng mga reporter, ganyan.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …