Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nakalusot na ‘P6.8-B shabu’ espekulasyon — Palasyo

READ: PDEA, BoC magkasalungat sa drug smuggling sa magnetic lifters

TINAWAG na espeku­lasyon ng Palasyo ang ulat na naipuslit sa bansa ang may P6.8 bilyong halaga ng shabu.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kahit nakaaalarma ang pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino na nakalu­sot sa Bureau of Customs ang halos 1,000 kilo ng shabu na P6.8 bilyon ang halaga, espekulasyon ito dahil walang nagtuturong ebidensiya at hindi pa tapos ang imbestigasyon sa isyu.

“Of course, this is a reason for alarm dahil malaki ‘yung nahuli. ‘Yung sinasabi na posi­bleng nakapasok, ‘yan ang speculation pa. Hindi naman pa tinatanggap na gospel truth na ‘yan,” sabi ni Roque sa press briefing kahapon sa Malacañang.

Iniutos aniya ni Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea sa National Bureau of Investigation (NBI) na siyasatin nang husto ang usapin.

“The Executive Secre­tary has ordered the NBI to conduct a thorough investigation into this matter. This was perso­nal­ly relayed to me by the Executive Secretary yes­terday afternoon,” dag­dag ni Roque.

Nakompiska kamaka­ilan ng PDEA ang aban­do­nadong container sa Manila International Container Port (MICP) na naglalaman ng dalawang malaking magnetic lifters na may ‘palamang’ 500 kilo ng shabu.

Nabisto ng PDEA ang apat na katulad na magnetic lifters sa isang bodega sa GMA, Cavite ngunit walang laman na shabu.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …