Friday , April 18 2025

‘Deadlock’ sa cash-based hahantong sa reenacted 2019 national budget

KUNG hindi magkaka­sundo at humantong sa deadlock ang Kamara at ang Department of Budget and Management (DBM) sa paggamit ng pondo ng gobyerno na tinaguriang “cash-based” budgeting, maaaring magresulta ito ng reenacted budget sa 2019.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman patungo na sa “impasse” ang DBM at Kamara sa is­yung ito.

Ani Lagman, ang mga miyembro ng Kama­r­a ay laban sa bagong pa­ta­karan na gustong mang­­yari ni Budget Secretary Benjamin Diok­no.

Nagdulot ito ng malaking pagbabawas sa budget ng mga ahensiya ng gobyerno, ayon kay Lagman.

Sinuspende ng Kama­ra ang pagdinig sa 2019 Budget na isinumite ng Malacañang sa Kama­ra at ito’y nagbabadya ng re­enacted budget sa susu­nod na taon.

Sa ilalim ng “cash-based budgeting”  ang mga proyekto at progra­ma na puwedeng tapusin sa isang taon ang popon­dohan ng gobyerno.

Sa ilalim ng “obli­gation-based budgeting” ang mga proyekto at programa ay maaaring pondohan ng gobyerno kahit lumagpas nang isang taon at babayaran ito kapag natapos.

Sa isang pagpupu­long na ipinatawag ng liderato ng Kamara, ang mga kongresista sa opo­sisyon at sa magkakai­bang partido ay nagsa­ma­sama sa pagtutol sa “cash-based budgeting” ni Diokno.

Ani Lagman, ang bagong innovation ay walang legal na basehan.

May ipinapaikot na resolusyon sa Kamara ngayon para hilingin sa Senado na ibalik sa Ka­ma­­ra ang budget reform bill upang baguhin ito.

Itinanggi ni House Majority Leader Rep. Ro­lando Andaya, na may­roong ‘impasse’ sa deli­berasyon.

Nagtawag aniya sila ng break para makipag-usap kay Pangulong Ro­drigo Duterte at magka­roon ng malinaw na sen­yales sa isyung ito.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Phililanthropist and Businesswoman na si Ms Cecille Bravo nang ibigay ang …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Sarah Discaya

Kampo ni Sarah Discaya, Mariing Itinanggi ang Anumang Paglabag sa Batas Kaugnay ng Isyu sa British Passport

MAYNILA — Nilinaw ng legal counsel ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na wala …

Blind Item, Mystery Man, male star

Hunk actor suki sa mga political rally kahit ‘di feel ng publiko

I-FLEXni Jun Nardo MAINSTAY na yata ang isang hunk actor na paminsan-minsan eh kumakanta rin sa political …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *