Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Motorcycle taxi’ sa lansangan iginiit

LUMAHOK ang higit 1,000 miyembro ng transport advocacy group Transport Watch, kasama ang Riders of the Philippines, Motorcycle Rights Organization, at Arangkada Riders Alliance sa “Unity Ride” mula UP Diliman patungo sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon, upang ipanawagan na payagan silang magserbisyo sa kanilang mga kliyente at aprobahan ng kinauukulang ahensiya ang isinusulong nilang ‘motorcycle taxi’ regulation.’ (ALEX MENDOZA)

NAGSAGAWA ng ‘unity ride’ ang Transport advo­cacy group Transport Watch, kasama ang Riders of the Philippines (ROTP), Motorcycle Rights Organ­ization (MRO), Arangkada Riders Alliance, at libo-libong motorcycle rider sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Dakong 8:00 ng umaga nang magsagawa ng asembliya ang grupo sa UP Diliman Campus at saka sabay-sabay na ipinaa­rangkada ang mahigit sa 1,500 motorsiklo patungong Commonwealth Avenue hanggang sa Quezon City Circle. Layunin ng ‘unity ride’ na pakinggan ang kanilang kahilingan at aprobahan ng mga kinauukulang ahensiya ang kanilang isinusulong na ‘motorcycle taxi regulation.’

Sinabi ni Transport Watch convenor George Royeca, kanilang hiniling na gaya ng Uber at Grab, paya­gan rin ang motorcycle taxis at sinisiguro nilang magiging ligtas ang sinomang isasa­kay rito.

“Transport Watch initia­ted the petition to show that thousands of motorcycle drivers and concerned commuters believe that the government should imme­diately take steps to pursue the regulation of motorcycle taxis,” paliwanag ni Royeca.

Iginiit Royeca, bago maging miyembro ang isang motorcycle taxi ay tinitiyak nila na daraan muna ang rider sa “butas ng karayom” para sa  masusing proseso.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …