Monday , December 23 2024

Munti state college pinasinayaan nina Fresnedi at Biazon

PORMAL na pinasina­ya­an ng pamahalang lokal ng lungsod ng Mun­tinlupa, sa pangu­nguna ni Mayor Jaime Fresnedi, ang pagbubu­kas ng Colegio de Mun­tinlupa (CDM) para sa mga estudyanteng mag-aaral ng mga kur­song engineering sa naturang siyudad.

Isinagawa ang bles­sing and inaguration nitong 3 Agosto 2018 sa apat-palapag na gusali ng engineering school na pinondohan ng pamaha­laang lokal ng P208 milyon,  matatagpuan sa Posa­das Avenue, Brgy. Sucat, Muntinlupa City.

Sa kanyang men­sahe, sinabi ni Fresnedi na ha­ngad niyang maging isang “invesment hub” ang lungsod kaya’t pus­pusan niyang isinu­sulong ang iba’t ibang programa para sa ikabubuti ng mga Mun­tilupeño.

Dagdag ang mga pag­kila­la sa sama-samang pagtutulungan ng lahat tulad ng “Most Business Friendly” noong 2017 at kamakailan lamang ay nagkamit ng mga pa­rangal mula sa “Nutrition Council of the Philippines-Green Banner Award.”

Labis din ang suporta ni Congressman Ruffy Biazon (lone-district Muntinlupa) na isa sa mga dumalo sa inagurasyon ng CDM, sa lahat ng mga programa ni Fres­nedi dahil naniniwala siyang nasa mabuting direksiyon ang lungsod at kaisa siya sa patuloy na pag-unlad ng Muntinlupa.

Dumalo rin si City Administrator Engineer  Allan Cachuela, mga konsehal at ang pamu­nuan ng CDM.

Ang state of the art CDM ay magiging solar-powered, may rain water collection, may wind dual piping at mayroong sun and wind breakers.

Ang mga kurso sa CDM ay kinabibilangan ng BS Civil Engineering, BS Computer Engineer­ing, BS Electronics Engi­neering, BS Electrical Engineering at BS Mecha­nical Engineering.

(MANNY ALCALA)

About Manny Alcala

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *