Saturday , November 23 2024

Sabwatang goons at pulisya, pekeng akusasyon ginamit kontra NutriAsia workers — CTUHR

READ: Kadamay sinisi sa madugong NutriAsia strike

NUTRIASIA19. Ang mga manggagawa ng NutriAsia na biktima ng karahasan sa Marilao, Bulacan. (Larawan mula sa KARAPATAN)

NAALARMA ang Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) sa desperadong pandarahas at pananakot ng Meycauayan police kasabwat ang anila’y goons, security guards at preso para sirain ang kredebilidad at reputasyon ng piketlayn ng mga manggagawa ng NutriAsia sa Marilao, Bulacan.

Sa naganap na karahasan sa piketlayn ng mga miyembro ng Nagkakaisang Manggagawa ng NutriAsia (NMN), na ikina­sugat ng 30 katao at pagsakote sa 19 manggagawa, tagasu­porta, at ilang miyembro ng alterna­tibong media, kamakalawa ng umaga, isang Edwin Barena, ang iniharap ng pulisya sa mga mamamahayag at sinabing nadakip siya habang nagkaka­gulo sa piketlayn at nahulihan ng ilegal na droga at armas.

Ngunit sa marathon hearing na ginaganap kamakalawa ng hapon hanggang kahapon, natuk­lasan ng CTUHR na si Barena ay matagal nang naka­kulong sa Meycauayan police jail noon pang 2016.

Inamin ni Barena sa piskalya na siya ay sapilitang pinaganap at pinagkunwaring kasama sa welga, pinagdala ng baril at pinaaming gumagamit umano ng ilegal na droga.

Sinabi ng CTUHR sa kanilang pahayag, ang ganitong maitim na balakin ay desperadong hakbang  upang wasakin ang reputasyon ng mga welgista ganoon din ang matagal nang nakakulong na si Barena.

Habang kinokondena ang desperadong paggamit ng NutriAsia sa sabwatan ng pulisya, security guard at goons, para brutal na wasakin ang piketlayn ng mga manggaga­wang nakikibaka laban sa mapag­samantala at mapanlinlang na kontraktuwalisasyon, nagpa­hayag ng pasasalamat ang CTUHR at KARAPATAN sa mga tumulong at sumuporta para mapalaya ang mga nadakip.

Kahapon, kinompirma ng CTUHR na pinalaya na ang 19 manggagawa at tagasuporta na inaresto kabilang ang ilang miyembro ng alternatibong media na sina Daiy Jane Heda, 20 anyos, Robert Sequino, 23, Sedney Villamor, 31, Jerald Verano, 26, Mark Ponce, 31, Dannyboy Conel, 21, Marylle Jons Peligro, 23, Jeovelyn Bornales, 33, pawang miyembro ng miyembro ng  Nagkakaisang Manggagawa ng Nutriasia (NMN); Einstein Recedes, 33, kasapi ng Anakbayan; Mark Quinto, 24, miyembro ng League of Filipino Students; Jon Bonifacio, 20, student journalist ng Scientia UP Diliman;  Avon Ang, 23, Eric Tandoc, 38, Hiyas­min Saturay, 27, Psalty Calu­za, 20, pawang taga-Altermidya; mga miyembro ng Kadamay na sina Imelda Rey, 57,  at Aileen Raganit, 42, at mga taga-simbahan na sina Nikki Abilar, 29, Church People – Workers Solidarity (CWS); at Jaime Castro, 52 anyos, ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP).

Kamakalawa, bumalandra sa social media ang duguang mukha ni Leticia Retiza, 56, kabilang sa mga  miyembro ng people’s organization na sumu­suporta sa piketlayn ng mga manggagawa ng NutriAsia.

Patuloy ang pagtanggi ng NutriAsia management na mga manggagawa nila ang nagtayo ng piketlayn.

Anila, pawang empleyado ng kanilang sub-contractor ang naglunsad ng welga.

Sa pangunguna ng Nagkaka­isang Manggagawa ng Nutri­Asia (NMN), itinindig nila ang kanilang lehitimong welga nitong 2 Hunyo, nang tanggihan ng NutriAsia, pag-aari at pinamu­munuan ng mga Campos (nag-mamay-ari rin ng Del Monte Philippines), na iregularisa ang halos 1,000 contractual workers sa kabila ng compliance order mula sa DOLE. Nakadagdag pa rito ang illegal dismissal ng 75 lider at tagasuporta ng NMN.

Tinaguriang NutriAsia19, si­nampahan ng kasong illegal assembly, physical injuries, alarm and scandal at paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drugs) and RA 10591 (Firearms Law) ang 19 manggagawa, suppor­ters at mga miyembro ng alter­natibong media.

“For several months, work­ers’ have been restless and unrest has erupted in different parts of the country, as Duterte failed on its promise to end con­tractualization. The Department Order 174 and Executive Order 51, appeared to have been utilized by corporations to retrench their workers, rather than to help them become regular. DOLE’s order to companies and employees of regularization and strong language against them and illegally contracted agencies remain a paper tiger. The laws apparently serve best the capitalists, than the workers,” pahayag ni Daisy Arago, Exe­cutive Director ng CTUHR.

Samantala nagpasalamat ang KARAPATAN sa pagtu­tulungan ng walong abogado, mga taong simbahan, Makaba­yan Bloc sa Kongreso, mga kai­bigan na tumulong upang agad makalaya ang NutriAsia19.

Hiniling din nila na ipa-drug test ang mga pulis ng Mey­cauayan, Bulacan; patuloy na iboykot ang NutriAsia products, patuloy silang samahan sa kanilang laban hanggang malan­sag ang kontraktu­walisasyon, at ibalik ng mga pulis ang lahat ng kanilang mga gamit gaya ng cellphones, laptops, camera, wallet, bag at cash. (GMG)

About G. M. Galuno

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *