Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Most wanted person dakpin — Mayor Fresnedi

APAT lalaking kabilang sa top 10-most wanted persons sa listahan ng pulisya, ang arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Muntinlupa City.

Sa ulat ng pulisya, sa ilang araw na manhunt operation isinagawa, una nilang nadakip si Jefferson Imperial, 21, top 7; kasu­nod sina Christopher Alcantara, 18, at Jiro Reyes, 22, kapwa nasa top 8, at Edward Puno, 19, top 6.

Nadakip ang mga suspek sa iba’t ibang lugar sa Brgy. Poblacion, Brgy. Putatan, Brgy. Ala­bang at Brgy. Baya­nan, sa naturang lungsod, sa bisa ng warrant of arrest.

Ang mga suspek na nakapiit sa himpilan ng pulisya, ay nahaharap sa kasong frustrated mur­der, attempted homi­cide at robbery na naka-pending sa korte ng Mun­tinlupa.

Nabatid na alinsunod ito sa utos ni Mayor Jaime Fresnedi, kay S/Supt. Gerardo Umayao, acting police chief ng Muntin­lupa, na lalo pang paig­tingin ang kampanya sa pagsugpo sa masasa­mang elemento at pagda­kip ng mga aw­toridad  sa most wanted persons na may criminal record dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas.

(MANNY ALCALA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Manny Alcala

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …