Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
baby old hand

Bangkay ng paslit nahakot sa dump truck

KASAMA ng mga ba­sura, nahakot ng dump truck ang bang­kay ng isang pas­lit sa loob ng isang bag sa Parañaque City, nitong Linggo.

Inilarawan ng pulisya ang biktimang nasa edad 2-3, naaagnas na ang katawan kaya hindi na matukoy ang kanyang kasarian,at nakasilid sa brown bag na natatakpan ng sako ng bigas.

Ayon sa ulat na natang­gap ni Southern Police District director, C/Supt. Tomas Apoli­nario, bandang 12:00 pm nang matagpuan ng mangangalakal ng ba­sura na si alyas Longlong ang naturang bag sa loob ng garbage truck, na may markings na RRB-02, habang naka­parada sa Dasa Avenue, Hon­tiveros Compound, Fourth Estate, Brgy. San Antonio ng naturang lungsod.

Dali-dali niya itong inilagay sa isang plastic bag sa pag-aakalang mapakikinabangan ang laman nito. Nang buma­ba siya sa truck, agad binuksan ni Longlong ang bag at nagulat nang tumambad sa kanya ang naaagnas na bangkay ng isang paslit.

Mabilis niya itong ipina­batid sa kapwa ma­ngangalakal ng basura na si Dedith Fabia, 40, na siyang nag-ulat sa insi­dente sa Parañaque City Police.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …