Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaso vs Noynoy, Garin, Abad giit ng NBI

INIREKOMENDA ng National Bureau of In­vestigation ang pag­hahain ng kasong tech­nical malversation laban kina dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget chief Florencio Abad bunsod ng kanilang pagkakasangkot sa pagbili ng P3.5 bilyon Dengvaxia vaccine.

Sa sulat na tinanggap ng Office of the Om­budsman noong 13 Hulyo, isinumite ni NBI Director Dante Gierran ang resulta ng pre­liminary investigation ng Bureau hinggil sa mass immunization program at inirekomenda ang pagha­hain ng kaso laban kay Aquino at sa dalawa niyang Cabinet secreta­ries.

Ang kaso laban kay Aquino ay nag-ugat nang kanyang aprobahan ang paggamit ng savings ng executive department’s 2015 Miscellaneous Per­sonnel Benefit Fund (MPBF) para sa pagbili ng anti-dengue vaccine.

Ang initial funding na P3.5 bilyon ay inilaan para sa bakuna sa mga estu­dyante sa pampublikong paaralan sa National Capital Region, Regions 3 at 4-A.

Gayonman, sinabi ng NBI, pinahihintulutan lamang si Aquino na ilaan ang savings sa umiiral na mga proyekto ng gobyerno, ipinuntong ang pagbili ng dengue vaccines ay hindi kabilang sa 2015 national budget.

“Former President Aquino, by his authority, declared the use of savings from the 2015 Mutual Benefit Personnel Fund and use the same to ‘augment’ a non-existent anti-dengue immuni­zation program of the Department of Health,” pahayag ng NBI sa ka­nilang rekomendasyon.

Ayon sa NBI, ang paggamit ng savings ay imposibleng mangyari nang walang rekomen­dasyon mula kina Garin at Abad, kapwa inapro­bahan ang budget allo­cation sa kabila na hindi kabilang ang proyekto sa budget at sa Philippine National Drug Formulary (PNDF). Ang PNDF ay lista­han ng mahalagang mga medisina na napatu­nayang epektibo at ligtas at mababa ang halaga. Ang gobyerno ay kai­la­ngan bumili ng mga gamot base sa nasabing listahan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …