MADALAS natotoka sa newcomer na si James Merquise ang mga role na pulis. Nag-e-enjoy naman siya dahil nangangarap maging isang action star someday si James. Nagsimula siya sa showbiz noong latter part ng 2016 nang sumabak sa acting workshop si actor/director na si Mike Magat sa Sonza Production.
Si James ay isang 30 year old Masscom graduate na hilig talaga ang pag-aartista. Nagkuwento siya kung paano napasok sa showbiz.
“Nag-start po ako kay Direk Mike Magat Dec 2016 start po kami ng Workshop sa Sonza Production. Then ginawa namin ang movie na Sikreto sa Dilim na naging successful having won an award in New York International Film Festival. Very soon ay ipalalabas din ito sa Philippines,” saad ni James.
Kabilang sa mga sumunod na project niya ang Tales of Dahlia ni Direk Moises Lapid kasama ang talented na bagets na sina Kikay Mikay at Apocalypsis ni Direk Rudy Fajardo. Nakalabas na rin siya sa TV series na Ikaw Lang Ang Iibigin nina Kim Chiu at Gerald Anderson at sa The Good Son na tinampukan nina Joshua Garcia, Nash Aguas, Jerome Ponce, at iba pa.
Ayon pa sa kanya, pangarap niyang maging action star someday. “Dream role ko po talaga ang police man and pangarap kong maging action star someday. I’m also open sa mga challenging roles like killer or isang psycho.”
Sino ang idol mong action star? “Si Direk Mike Magat po at Mon Confiado po ang ginagaya ko, pero siyempre po idol ko sina FPJ at Rudy Fernandez noong bata pa ako. Ngayon po, sina Coco Martin na and kuya Robin Padilla rin ang idol ko.”
Bakit sila ang idol mo? “Magaling po kasi silang actors and magaling din po sa aksiyon. Ako po kasi, I can do stunts din at fight scenes. Black belter po ako ng kick boxing, I know also judo, karate, at taekwondo,” aniya.
Lately ay napanood siya sa Ipaglaban Mo ng ABS CBN at thankful din si James dahil mayroong bagong TV project.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio