Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
rape

2 dalagitang hipag niluray ng bagets

ZAMBOANGA CITY – Inaresto ng pulisya ang isang 17-anyos lalaki makaraan gahasain ang kaniyang dalawang hipag na kapwa menor de edad sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa ina ng mga dalagita, naiwan sa kani­lang bahay ang binatilyo at mga bikti­mang edad 13 at 16 dahil may inasi­ka­so siya sa banko kasa­ma ang isa pa niyang anak na misis ng suspek.

Nang makauwi ang ginang, isinumbong uma­no ng dalawang dalagita na pinagsamantalahan sila ng kanilang bayaw habang sila ay natutulog.

Napansin din umano ng nakababatang biktima na dumurugo ang kani­yang pribadong baha­gi ng katawan.

Dinakip ng mga awto­ridad ang suspek sa bahay ng mga biktima. Ang suspek ay nahaharap sa kasong rape.

Malakas ang ebiden­sya dahil napag-alaman sa medico legal na may mga “laceration” sa ari ng magkapatid na bik­tima, ayon sa imbesti­gador na si SPO1 Janet Dacanay Acenas.

Dahil menor de edad ang suspek, pansaman­tala siyang inilagay sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development.

Ililipat siya sa Zam­boanga City Reformatory Center sa kaniyang ika-18 kaarawan sa susunod na buwan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …