THANKFUL si Lance Raymundo dahil marami siyang projects na pinagkaka-abalahan ngayon. Nagpapasalamat ang singer/actor sa Viva dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanyang showbiz career.“Actually, happy ako ngayon kasi parang ngayon ko nararamdaman na talaga yung Viva is already beginning to push me. So, minsan talagang pana-panahon and then lately talagang naging pursigido sila sa akin.
“Actually nagsimula yun nang lumabas ako sa Ang Probinsyano. After that, series of hosting jobs, di ba lahat ng mga FAMAS events ako yung nakuha, as in lahat. Except for the final night kasi final night, ABS CBN yung kumuha ng telecast, yung nilagay nila siyempre si Piolo Pascual, which sa akin is a good. Parang, of course, si Piolo yung kukunin. And ako naman, napasali pa rin ako bilang presenter, so lahat ng FAMAS event from launch hanggang nominees night, until finals night, kasama ako. So I’m thankful sa FAMAS Group din,” saad ni Lance.
May mga forthcoming hosting job ka sa mga beauty pageants?
Tugon niya, “Yeah, maraming beauty pageants, like sa June 4 mayroong Little Ms. Asia, actually maraming delegates from all around the world pupunta rito na mga bata.
“Tapos sa music, iyon yung talagang na-excite ako, kasi yun nga. Yung pinakaunang salang nila sa pagbalik sa akin sa concert na singer ako is yung napasali ako sa brigade eskwela, which is a year round na parang campaign of all schools nationwide. ‘Tsaka the video is online rin… nakakatuwa kasi tatlong Star Magic, tapos ako lang yung taga Viva roon. Kasi dalawang pair iyon eh. Iyong Star Music talent na si Martin V, kapartner niya si Trina Legaspi. Ako naman yung kapartner ko is Michelle Vito.”
Nagkuwento pa si Lance hinggil sa Brigade Eskwela. “Siyempre ina-advocate nila yung education, tsaka yung kaligtasan din. Kasi, talagang inaayos yung mga schools, yung mga structure para walang madisgrasya, yung mga upuan, ganoon. It’s a year round campaign. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero nagkaroon na rin ng national song writing competition. So yung nanalong kanta-iyon yung song na kinanta namin para roon.
“Isang Bansa, Isang Brigada, iyon yung title. Tapos yung pinaka-national launch nga, nangyari sa Gensan, talagang pinapunta kami roon. Unfortunately nga yung mga tiga-Star Magic ay hindi nakapunta, pero roon ko nasubukan talaga yung- you know, how to carry a show. Kasi apat dapat kami, pero naano naman, nadala ko naman yung buong show.”
So, parang nag-concert ka roon, kumanta ka? “Oo, kasama sa launch, pati si Senator Manny Pacquaio nandoon. Kasi talagang iyon yung pinaka Philippine launch ng Brigada Eskwela for 2018.”
Ico-commercial din ba iyan sa TV? “Maybe eventually, sa November may isang event din sa Manila na kaming apat din eh. So siguro one year yung tie up namin with that,” saad pa niya sa vuiceo na pinamahalaan ni Direk Neal Tan.
So, parang kayo yung ambassador ng DepEd sa campaign na ito? “Oo, oo, for the year 2018. Iyong parang i-remind sa lahat yung kahalagahan ng education tsaka yung safety. So I think every now and then magkakaroon din kami ng road shows.”
Excited din si Lance sa gagawin niyang single para sa Viva na siya mismo ang nag-compose. Kasalukuyang pinaghahandaan din ni Lance ang bago niyang play titled Veronidia na pamamahalaan ng batikang actor/director na si Lou Veloso at gaganapin sa bubuksang Sta. Ana Center for Arts. Makakasama rito ni Lance ang classical singer na si Rare Columa at ayon sa actor/singer, ito ang pinaka-challenging na role na gagampanan niya, so far.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio