Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong, ‘di sinagot, pagkandidato bilang senador 

‘GAGUHAN at dayaan’ kung ilarawan ni Direk Irene Villamor ang kuwento ng pelikula niyang Sid & Aya na pinangungunahan nina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

Kaya natanong ang dalawang bida kung nasubukan na nilang ma-gago sa isang relasyon noong pareho pa silang walang asawa.

“Kinalimutan ko na ang lahat ng mga gaguhan na nangyari. Nasa happy place na ako,” nakangiting sabi ng aktres.

Ayon naman kay Dingdong, “wala naman, wala namang nanloko sa akin.”

Hirit pa ni Anne, “Honestly, I think part naman ‘yun (dayaan) ng journey ng falling in love. Darating ang point talaga na kailangan mong masaktan at babangon ka rin ulit.”

Katwiran naman ni Dong, “Siyempre, para ma-appreciate mo naman kung ano ‘yung masarap, masaya, kinakailangan ma-experience mo rin ‘yung hindi okay, ‘di ba? Hindi lang naman sa relationship kundi sa lahat ng bagay, para mas matamis ‘yung pag-appreciate mo sa kung anong mayroon ka ngayon.

“Siguro ‘yun ang naging challenging para sa akin dahil maraming aspeto sa pelikula na hindi ko pa nararanasan. Kaya isa ito sa pinakamahirap na ginampanan ko.”

Samantala, hindi sinagot ng aktor kung tuloy ang pagkandidato niya sa pagka-Senador sa susunod na taon pagkatapos ng presscon ng pelikula.

Mapapanood ang Sid & Aya sa Mayo 30 mula sa Viva Films at N2 Productions.

Samahan sila sa kanilang movie tour sa Mayo 26 (Sat), 4:00 p.m. at Gateway Cineplex, 6:00 p.m. at Ayala Malls Feliz; May 27 (Sun) 4:00 p.m. at SM City Bicutan, 6:00 p.m. at SM City Sta. Rosa.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …