Wednesday , December 25 2024

4 sa 8 akusado sa Villamin Jr. case wanted

IPINAAARESTO ang apat sa walong akusado sa Soliman A. Villamin case.

Naglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court, National Capital Judicial Region Branch 93 ng Quezon City laban sa mga akusadong sina Jorge Billamil, Ferdinand Medina, Joemel de Jesus, at Dennis Sta. Ana Go sa paglabag sa Republic Act 10175 o ang Philippine Cybercrime Prevention Act of 2012.

Inilabas ang naturang warrant of arrest sa sala ni Judge Arthur Malabaguio.

Nag-ugat ang kaso matapos maghain ng reklamo si Villamin, Pangulo ng DV Boer Farm, Inc. (DVBF), isang kompanyang nagma-manage at nag-o-operate ng mga farm sa Lian, Batangas.

Naglunsad si  Villamin ng PAIWI system para makatulong sa mga large-scale livestock raising at breading sa buong bansa, na nagbebenta ng mga livestocks sa mga agri-business na walang sariling farm at handang maging DVBF’s PAIWI partners.

Dahil naging matagumpay si Villamin sa kanyang negosyo naalarma ang ibang goat raisers at natakot kung kaya’t naglabas ng mga mapanirang pananalita o libelous statements sa social media gaya ng Facebook laban kay  Villamin na pawang walang katotohanan.

Umabot sa korte ang isyu hanggang magpalabas ng mandamiento de arresto si Judge Malabaguio laban sa mga akusado.

Inatasan ang mga hepe ng pulisya sa lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac at Pampanga na ipatupad ang pag-aresto sa loob ng sampung (10) araw matapos nilang matanggap ang nasabing utos.

Si Jeorge Villamil ay sinabing matatagpuan sa Pampanga State Agricultural University, Pampanga; si Medina sa Purok 4, Don Bonifacio, 2009 Balibago Angeles, Pampanga; si De Jesus sa Brgy. Batang Paniqui, Tarlac; at si Sta Ana Go sa Brgy. Campo Tinio, Cabanatuan, Nueva Ecija.

Gayonman pinayagan makapagpiyansa ang mga akusado ng halagang P16,000 bawat isa.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *