Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald Anderson Pia Wurtzbach Cathy Garcia-Molina My Perfect You

Acting na ipinakita nina Gerald at Pia sa My Perfect You, nakagugulat

POSITIVE ang naging comment ng mga nanood sa premiere night ng  My Perfect You nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach. Sabi nga ng mga movie critic, super ganda ang romantic movie na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina.

Maituturing na isang groundbreaking na pelikula dahil first big-screen collaboration nina Gerald, Pia, at Direk Cathy. Nakagugulat ang acting  na ipinakita nina Gerald at Pia.

When do you know you found your perfect you? “Hindi naman love at first sight… You find your perfect you. Of course, I find my perfect you na tinanggap ako. May pagdaraanan kayong obstacle, challenges, tapos unti-unti mo mari-realize kaya pala masaya, kung minsan malungkot kasi siya pala ‘yung para sa akin. It’s not necessarily perfect in everybody’s eyes but perfect for you,” sagot ni Pia.

“Walang perfect, I’m trying to be good. Alam mo na, mararamdaman mo ‘yun agad na she’s the one. For me, life is perfect kapag nabibigyan o nabibili mo ng sapatos ang mother mo,” sambit naman ni Gerald.

Challenging ang role na ipino-portray ni Pia bilang Abi, lively owner ng  hostel, ang Happy Sunshine Camp.

“Ibang klase ang character ko rito. Thankful ako kay Direk Cathy kahit mainit sa location. Sa gabi lang malamig mataas pa rin ang energy namin. Maganda ‘yung location kahit walang signal, feeling ko roon na ako nakatira. Palagi akong nasa ilog, first time akong nakakita ng ganoon kagandang nature, swimming, nagmo- mobile ako. ‘Pag nandoon na sa location, gentleman lahat ng lalaki lalo na kapag tumatawid kami sa ilog,” say ng beauty queen/actress.

Puring- puri ni Gerald si Pia dahil sa kabaitan nito at magaling makisama sa buong production staff. Walang kamay-malay ang Queen Pia na pinagmamasdan ng actor ang kilos at galaw niya. Nang makilala na nila ang isa’t isa at saka nito na realize na walang ere sa katawan ang dating Ms. Universe.

“’Yung location, hindi pang Ms. Universe. Siya ‘yung kalog, napaka-down-to-earth, comfortable akong katrabaho siya. Gabi-gabi magkasama kaming nagdi-dinner, nagkukuwentuhan, masaya kami sa set. Magkatabi ang cottage namin,” kuwento pa ni Gerald.

ANIK-ANIK
ni Eddie Littlefield

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …