Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, ‘wag sayangin ang precious time sa bashers

AND The Patola Award goes to…Kris Aquino!

These days ay very active si Kris sa social media. Sa katunayan, dalawang magkasunod ang ginawa niyang pagpatol sa mga basher na 1.) pinaratangan siyang magnanakaw at 2.) may pasaring sa kanyang pagiging kabit noon.

Hindi pinalampas ni Kris ang mga comment na ‘yon, kuntodo paliwanag siya sa mga bumatikos sa kanya gayong kung hihingin ang aming opinyon ay isang malaking pag-aaksaya ng precious time ang ginawa ni Kris.

Sa isyu ng pagnanakaw ay alam naman ng lahat na ang akusasyong ‘yon ang pinakahuling maaaring ikaso sa tulad ni Kris na nangunguna pa nga sa pagbabando bilang top tax payer.

On the issue of pagiging mistress ay wala na ring bago roon, kaya sabi nga ni Kris ay subukan naman ng basher na bagong isyu ang ibutas laban sa kanya.

Kung tutuusin, more than anybody else ay si Kris mismo ang nakaaalam kung ano ang totoo sa hindi. At dahil hindi rin naman lingid sa kaalaman ng sambayanan ang katotohanan, why waste her precious time para sagutin at patulan ang mga basher na ‘yon na halata namang binubuwisit lang siya?

Sino ngayon ang nagwagi sa asar-talo na uri ng cyber game na ito, eh, ‘di si Kris din?

May kasabihan o panuntunan sa buhay na “Choose your battles.” Now at 47, imposibleng sa taglay na talino ni Kris ay hindi niya alam kung anong giyera ang dapat sinusuong at kung ano naman ang karapat-dapat dinedma na lang.

Kaya sa ‘yo, Kris, do not only choose your battles. Win them!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …