Friday , November 22 2024

1 patay, 8 timbog sa anti-drug ops sa Tondo

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga at arestado ang walo katao habang bumabatak ng shabu sa magkahiwalay na anti-drug operations ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Tondo Maynila, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay MPD Station 1 commander, Supt. Jay Dimaandal, kinilala ang napatay na suspek na si alyas Kenneth, 25-35 anyos, sinasabing dalawang beses nang nahuli ng pulisya sa droga ngunit nakalaya at muling bumalik sa ilegal na gawain, sa Aroma Housing, Brgy. 105, Tondo.

Napag-alaman, dakong madaling-araw kamakalawa, ikinasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation laban kay Kenneth sa nabanggit na lugar.

Nakatunog ang suspek kaya pinaputukan ang police undercover ngunit gumanti ng putok ang mga awtoridad na kanyang ikinamatay.

BITBIT ni MPD Station 1 commander Supt Jay Dimaandal ang suspek na si Gerry Arufo kasama ng pito pang katao na naaktuhan sa gitna ng pot session makaraan magsilbi ng search warrant sa bahay ng suspek sa Maynilad Compound Brgy 101 Vitas Tondo,(inset) kasunod nito, Patay naman ang isang alyas Kenneth na labas-masok ng kulungan sa kasong droga nang manlaban gamit ang special .9mm kalibre baril laban sa mga pulis sa buy bust operation sa Brgy 105 Aroma housing sa magkahiwalay na operasyon sa nasabing lungsod. (BRIAN GEM BILASANO)

Nauna rito, walo katao ang nadakip ng mga awtoridad nang maaktohan habang bumabatak ng shabu sa bahay ng suspek na si Gerry Arufo sa Maynilad Compound, Brgy. 101, Vitas, Tondo.

Nakompiska sa nasabing bahay ang dalawang improvised shotgun, anim malaking pakete ng hinihinalang shabu, timbangan at drug paraphernalia.

Itinanggi ni Arufo na may kinalaman siya sa nakompiskang droga at baril ngunit idiniin siya ng isa sa nadakip na mga suspek na si Primo Sabala, na aminado sa drug activity sa kanilang lugar.

(BRIAN GEM BILA­SANO)

About Brian Bilasano

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *