Saturday , November 23 2024

‘Passport on Wheels’ sa Caloocan

MAGHAHANDOG ng “Passport on Wheels” ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Caloocan sa 8 Pebrero.

Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at ng Lungsod ng Caloocan sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Oscar Malapitan, nagsimula nang tumanggap ng applications simula 25 Enero hanggang 2 Pebrero 2018.

Ang mga aplikante ay maaaring kumuha ng application form sa City Registrar’s Office sa ika-6 palapag ng Caloocan City Hall na matatagpuan sa kanto ng 8th Street at 8th Avenue, East Grace Park sa naturang siyudad.

Ang CRD ay nasa ilalim ng pamumuno ni Gng. Lucena Flores na siyang DFA-LGU coordinator.

Ayon kay Malapitan, ang deadline ng pagsusumite ng application forms ay sa 2 Pebrero at ang pagpoproseso ng mga dokumento para sa passporting ay sa 8 Pebrero simula 8:00 am hanggang 5:00 pm sa ikatlong palapag ng Bulwagang Katipunan, Caloocan City Hall.

“Ang CRD ay hindi na tatanggap ng mga application makalipas ang Pebrero 2. Maging ang mga walk-in applicant ay hindi rin i-entertain sa February 8,” ayon kay Flores. “Iyon lamang mga nakapagsumite ang ipo-proseso at mahigpit itong ipatutupad,” dagdag niya.

Gayondin ang susunding iskedyul para sa mga magpapa-renew ng passport.

Habang ang mga aplikanteng residente sa North Caloocan ay maaaring kumuha at magsumite ng application form sa 2nd Floor, Social Development Center Building, North City Hall Compound, Zapote Road, North Caloocan.

Mahigpit na iniutos ni Mayor Malapitan na panatilihin ang kaayusan sa araw ng pagpoproseso ng passport sa 8 Pebrero.

Ipinaalala ng tanggapan ni Mayor Malapitan na ang mga magsusumite ng application forms at requirements sa CRD ay “hindi kailangang kumuha ng online appointment sa DFA.”

Ang DFA ang magsasagawa ng final evaluation, interview, photo, fingerprinting at processing sa 8 Pebrero, ayon kay Flores.

Ang passport application fee ay P1,200 at P150 para sa delivery fee ng processed passport na babayaran mismo sa DFA personnel sa 8 Pebrero. Walang tatanggaping bayad ang CRD, dagdag ni Flores. (JUN DAVID/ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *