SA pagdiriwng ng ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Muntinlupa bilang nagsasariling munisipalidad, naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng Commemorative Coin sa halagang P100.
Tampok sa Centennial Commemorative ang mga landmark at mga sagisag kabilang ang bagong Muntinlupa City Hall, ang City Seal, at ang Muntinlupa Centennial Logo.
Pinangunahan ni Mayor Jaime Fresnedi ang paglulunsad ng Muntinlupa Centennial Commemorative Coin nitong 16 Disyembre kasabay ng Centennial Coffee Table Book.
Nagpasalamat ang mga lokal na opisyal ng Muntinlupa sa BSP sa paglalabas ng Centennial Coin.
Ayon kay Fresnedi, dangal ang ipinagkaloob ng Centennial coin sa mga mamamayan ng Muntinlupa sa paggunita ng makasaysayang ika-100 pagkakatatag ng lungsod.
Gayonman ang Centennial coin ay hindi maipagpapalit sa halaga nitong P100.
Ipagdiriwang ng Muntinlupa ang Grand Centennial Celebration ngayong araw, 19 Disyembre 2017, ganap na 3:00 pm sa Muntinlupa Sports Complex, Tunasan. (MANNY ALCALA)