Tuesday , December 31 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bakit tahimik ang BFP sa nasunog na alcohol warehouse sa Kyusi!?

HABANG nangangamba ang mga residente at negosyante sa Villa Carolina sa San Bartolome, Quezon City, tahimik na tahimik naman, as in eternal peace, si QC Fire chief, S/Supt. Manuel M. Manuel alyas Kernel Triple M, sa pagkasunog ng alcohol warehouse ng Albri’s Food Philippines Inc., nitong nakaraang 22 Nobyembre.

Wala pa bang inilabas na resulta ng imbestigasyon ang Quezon City Fire District na pinamumunuan ni Kernel Triple M.?!

Hanggang ngayon daw, hindi pa nila ‘maipirmis’ kung ano ang sanhi o saan nagmula ang sunog.

Pero ang kuwestiyon dito nagpoproseso ba ng iba’t ibang uri ng alcohol ang Albri’s Food Philippines Inc., base sa isinasaad ng kanilang company profile sa lugar na kinaganapan ng sunog!?

Wattafak!?

Kung sa nasabing warehouse sa Villa Carolina nagpoproseso ng denatured alcohol ang Albri’s, hindi ba nakita nina Kernel Triple M, na mayroong malaking paglabag ang nasabing establisyemento?!

Itinatakda ng batas na ang ganitong mga pagpoproseo ay dapat na ginagawa sa isang distillery plant na nasa ilalim ng kondukta at sinasaksihan ng Revenue Officer On-Premise (ROOP) na nakatalaga sa   tinukoy na planta.

Kailangang saksihan ito ng ROOP dahil ang lahat ng pagbili ng denatured alcohol mula sa source o supplier na distil­lery plant ay kinakailangang sinusuportahan ng Excise Tax Removal Declaration (ETRD).

Sa pagkakataon na ang volume ng biniling denatured alcohol na natanggap mula sa distillery ay labis o kulang sa volume na nakatala sa mga dokumento, ito ay muling tatasahin upang maitakda ang tamang multa o dapat bayaran.

Kaya ang tanong, ang warehouse ba na ginagamit ng Albri’s Food Philippines Inc., sa Villa Carolina ay ginagamit din ba nilang distillery plant?!

Itinatanong natin ito, dahil ang mga produktong ethyl at denatured alcohol ay HINDI maaa­ring i-stock sa isang bodega.

Mula sa pagpoproseso ng mga produktong denatured at ethyl dapat itong ideretso sa buyer.

Pero alam ba ninyo mga suki na hindi rin ganoon lang ang proseso ng pagbebenta nito?

Dapat ay rehistrado rin ang pangalan at address ng customer. May assessment number, ano ang ginamit na denaturing formula, beginning balance ng volume, petsa kung kailan binili, total volume, pangalan ng distillery at address ng lugar kung saan ang produksiyon at kung saan binili ang denatured alcohol; petsa ng removal at delivery; volume ng na-remove at nai-deliver; at ending balance ng volume.

Lahat ba ito ay sinusunod ng Albri’s Food Philip­pines Inc.!?

Kung ginagawa ito ng Albri’s, bakit hanggang ngayon ay wala pa ring mailabas na resulta ng sunog ang kampo ni Kernel Triple M?!

Magkano ‘este ano ang dahilan?

By the way, balitang masaya na raw ang Christmas ninyo Kernel triple M?

Sa susunod, marami pa pong katanungan ang dapat na sagutin ng Albri’s at ng Quezon City Fire Division.

Abangan!

LTO CHIEF EDGAR GALVANTE
ASSET O LIABILITY
NG DUTERTE ADMIN?!

ITO na nga ba ang sinasabi natin.

Marami rin talaga ang nakapasok sa Duterte administration na hindi naman asset kundi liability.

Gaya nga nitong Land Transportation Office (LTO) chief na si Edgar Galvante, na hanggang ngayon ay walang alam kundi ang sisihin pa rin ang dating administrasyon.

Aba, sumusulong na po sa ikalawang taon ang Duterte administration.

Ang kailangan ng ating Pangulo ay mga taong katulong niya para resolbahin ang problema hindi ‘yung bilang nang bilang at dagdag nang dagdag lang ng problema.

Hindi ba kayo nahihiya na mismong si House speaker Pantaleon Alvarez na ang nananawagan na mag-resign na kayo?!

Mag-umpisa na kayo sa tanong na paano ninyo maiisyu ang mga plaka ng mga sasak­yan?

Huwag na ninyong sabihin na si Noynoy kasi.

Umisip na kayo ng solusyon kung paano mailalabas ang milyon-milyong plaka at lisensiyang nakatengga at kung paano ito mapapabilis.

Tapusin na ninyo ang backlog para wala na kayong maipasang sakit ng ulo sa susunod na administrasyon.

LTO chief Galvante Sir, nasa LTO ka na, wala ka na sa DDB na gaya nang dati ay palamig-lamig ka lang sa iyong tanggapan.

Hindi nga natin alam kung ano ang mga tinatanggap mo sa iyong tanggapan diyan sa LTO.

Aksiyon na ang kailangan sa LTO, Sir!

Huwag ka nang pakaang-kaang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *