Friday , January 3 2025

US astronaut nagbalik na sa mundo (Record-breaking)

NAGBALIK na sina NASA astronaut Peggy Whitson at dalawa sa kanyang crewmate makaraang mag-parachute touchdown sa Kazakhstan nitong nakaraang linggo. Hawak ni Whitson ang US record para sa kanyang career-total na 665 araw na nasa orbit ng daigdig.

Winakasan ni Whitson, 57, ang extended stay na umabot sa mahigit siyam na buwan lulan ng US100-bilyong research laboratory na International Space Station na lumilipad ng 250 milyon (400 kilometro) sa ibabaw ng Earth.

“I feel great,” pahayag ng astronaut na biochemist din sa inflight interview noong Lunes.

“I love working up here. It’s one of the most gratifying jobs I’ve ever had,” dagdag ni Whitson.

Nagbalik ang dalawa sa kanyang crewmates na pumahimpapawid sa space noong buwan ng Nobyembre may tatlong buwan na ang nakalilipas. Naiwan si Whitson matapos mag-scale down ang bansang Russia sa kanilang station staff mula sa tatlo sa dalawang cosmonauts.

Nagbalik si Whitson kasama si Jack Fischer, na kasapi ng National Aeronautics and Space Administration, at Russian cosmonaut Fyodor Yurchikhin.

Nag-touch down ang crew ng Russian Soyuz capsule sa Kazakhstan noong Sabado.

“I’m looking forward to seeing friends and family,” wika ni Whitson sa isa pang panayam ng media.

“But the thing I’ve been thinking about the most, kind of been fantasizing about a little bit, are foods that I want to make, vegetables that I want to sauté, things that I’ve missed up here,” aniya.

Noong Abril, binasag ni Whitson ang 534-day U.S. record para sa cumulative time in space. Pipitong lalaking Russian ang nakapag-log ng labis na panahon, kabilang si Gennady Padalka, ang world record-holder na nakatagal ng 878 araw sa orbit.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *