Saturday , November 23 2024

Ganda at kulay sumibol, kuminang sa Las Piñas Waterlily Festival

KASAMA ni Senadora Cynthia Villar ang mga nagwagi sa ika-12 Las Piñas Miss Waterlily Festival sa Sipag Villar Center, Las Piñas City kahapon, na sina (mula sa kaliwa), Paula Lim, Peoples Choice Award; Charmaine Louise Peralta, 2nd runner up; at Hajer Ashraf, 12th Miss Las Piñas Waterlily Festival winner. (MANNY MARCELO)

MULING nangibabaw ang simpleng waterlily sa pagdiriwang ng 12th Las Piñas Waterlily Festival na itinampok ang isang paligsahan sa kagandahan at makulay na street dances sa Villar SIPAG grounds.

Itinanghal na Miss Las Piñas Water Lily 2017 si Hajer Ashraf ng Brgy. Talon Dos makaraang talunin ang 15 pang kandidata na kumakatawan sa mga barangay ng Las Piñas City. Bukod sa pag-uuwi ng korona, tumanggap din siya ng P25,000 cash prize.

Nagwagi bilang first runner up si Jeanne Talania ng Brgy. Manuyo Dos na tumanggap ng korona at P15,000 cash. Si Charmaine Louise Peralta ng Brgy. Zapote ang nanalo bilang se-cond runner up na nag-uwi ng P10,000 cash.

Ang Miss Las Piñas Waterlily festival, na kinilala bilang isang pagdiriwang ng “kagandahan at kalikasan” ang kauna-unahang selebrasyon sa ganitong uri. Ang pinakamalaking criteria sa pagpili sa mga nanalo ay base sa kanilang suot na gown na 100 porsiyentong yari sa waterlily, na ipinakikita ang natural na kulay ng naturang halaman. Ito ay may 40% puntos. Ang iba pang criteria sa pagpili ang mga sumusunod: pisikal na kagandahan at talino ng kandidata na mayroong tig-30%.

Samantala, nagwagi sa street dancing competition ang mga kinatawan mula sa Group 1 (Golden Acres National HS, TS Cruz National HS at Las Piñas National HS) na tumanggap ng trophy at P50,000 cash.

Ang iba pang nanalo ay Group 3 (Las Piñas East National HS, Las Piñas East National HS Talon 4 – Annex at Las Piñas East National HS Equitable Village), 1st runner-up na tumanggap ng trophy at P30,000 cash, at Group 4 (Las Piñas North National HS, Las Piñas Science High School at Rizal Experimental Station & Pilot School of Cottage Industries — RESPCI), 2nd runner-up na nag-uwi rin ng trophy at P20,000 cash.

Bukod sa grand champion at dalawang runner-ups, lumahok din ang iba pang paaralan sa street dance competition gaya ng Las Piñas National High School – LPNHS – Gatchalian Annex at CAA National High School – CAA National High School Annex.

Ang bawat kalahok na grupo na binuo ng maximum na 50 miyembro ay inatasang magsumite ng kakaibang “synopsis concept” na waterlily ang pa-ngunahing ginamit sa kanilang kasuotan at props.

Nagkaroon din ng waterlily pro-duct exhibit at weaving demonstration na nilahukan ng Water Lily Arts and Crafts Center; Sta. Rosa Livelihood Organization, Inc., Laguna Water Hyacinth Organization; Cardona Livelihood Pro-ducts; Kabuhayan sa Water Lily; Joneg Foundation; Pililla Waterlily Weavers; Maynilad Waterlily Weavers, at isa sa youth awardees, Project Lily PH ngayong taon.

Ang Waterlily Festival ay “brainchild” ni Sen. Cynthia A. Villar at inilunsad noong 2005 para ipakita ang pagmamahal ng siyudad sa kalikasan na nagbibigay ng buhay at pangkabuhayan.

“Through the years, we are pleased that our homegrown Waterlily Festival continues to attract visitors and tourists to the city because of the unique attribute of our festival and because it pays homage to our Mother Nature and to our culture,” ani Villar.

Noong unang termino ni Villar bilang kinatawan ng Las Piñas City, sinimulan niya ang Sagip Ilog Program upang iligtas ang Las Piñas-Zapote River na pinamugaran ng waterlilies noong mga nakaraang taon na naging sanhi ng matinding pagbaha sa maraming lugar.

Ginawan ni Villar ng magandang solusyon ang matinding suliranin sa waterlilies. Ginamit sa paggawa ng basket, tray, banig, tsinelas, lampshade, chest, at iba pang produkto bilang raw materials. Dahil dito, nagkaroon ng oportunidad sa pangkabuhayan ang mga residente bukod sa nakatulong na mabawasan ang pagbaha.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *