Thursday , May 8 2025

Mahigit P5-B kita ng PCSO mula sa STL

INIHAYAG ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan nitong Martes, kumita ang expanded Small Town Lottery (STL) nang mahigit P5 bilyon sa loob ng limang buwan ngayong taon.

“We’ve already earned P5,018,967,224.14 which was 173.38% higher compared to the re-venue generated in the same period last year,” pahayag ni Balutan.

Mula Enero hanggang Mayo 2016, nakapagtala ang PCSO ng kabuuang P2,066,178,884.00 re-venue mula sa STL at kabuuang P6.4 bilyon para sa buong taon.

“The increased STL sales in just 5 months simply shows that the PCSO is already gaining ground in our efforts to increase the government’s revenue in order to help more Filipinos in need of medical assistance,” ayon kay Balutan.

Paliwanag ni Balutan, 30 porsiyento ng kita mula sa STL ay napupunta sa charity fund ng PCSO na gagamitin para sa iba’t ibang health and charitable programs ng ahensiya, kabilang ang Individual Medical Assistance Program (IMAP) na mahigit 300,000 Filipino ang nakinabang noong 2016.

Sa kasalukuyan, mahigit 50 mula sa 56 Authorized Agent Corporations (AACs) na inaprobahan ng board ang nag-o-operate sa kasalukuyan habang 36 ang nakatakdang ideklara bilang awtorisado sa susunod na buwan para mag-operate ng STL.

“In January, 56 AACs were launched and the board recently approved the authorization of 36 additional agent corporations to help us increase our revenues even more,” aniya.

Sinabi ni Balutan, ang PCSO ay magpapatuloy sa STL expansion, at umaasang magkaroon ng STL operations sa 81 lalawigan at mahigit 100 chartered cities sa buong bansa.

Ayon kay Balutan, tanging isang AAC ang pinahintulutan ng PCSO na mag-operate sa bawat probinsiya at chartered city sa buong bansa.

Sinabi ni Balutan, kompiyansa siyang makaiipon ang PCSO nang hanggang P27 bilyon ngayong taon mula sa STL upang mapondohan ang health programs at charitable services, ayon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

About hataw tabloid

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *