ISANG malaking krisis ang kinakaharap ng mga kapatid nating muslim ngunit hindi ito naging hadlang at ipinakita nila ang pagkakaisa kahapon sa Quirino Grandstand.
Kasabay nang pasasalamat nila kay Allah ay pananalangin para sa kapayapaan ng bansa.
Malaking tanong pa rin sa iba kung ano ang Ramadan, lalo sa isang bansang mas marami ang Kristiyano.
Ano nga ba ang Ramadan at bakit ginagawa at ipinagdiriwang ito ng mga Muslim?
Ang Rama-dan ay kabilang sa limang lunduyan o haligi (5 pillars) ng Islam na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kanilang ka-lendaryo, na naihayag ang Qur’an.
Ito ay panahon ng pag-aayuno at iniiwasan nila ang kumain, uminom, lumunok ng laway, tumabi sa asawa, manigarilyo, pagsambit ng masasamang salita at pagsisinungaling mula 4:00 am hanggang 6:30 pm.
Ang buntis o bagong pa-nganak ay hindi kabilang sa pag-aayuno.
Ang Eid al-Fitr ay “Wakas ng Ramadan” o pagtatapos ng ayuno, pasasalamat kay Allah, pagpapa-tawad at pagbibigayan sa kapwa.
Kasama sa limang haligi ng Islam ang pamamahagi ng isang porsiyento ng kanilang ari-arian o kita isang beses sa isang taon, pagdarasal nang limang beses sa isang araw, pagpunta sa Mecca o ang tinatawag na Hadj isang beses sa buhay nila, at ang maniwala sa iisang Di-yos nila na si Allah at ang propetang si Mohammad.
Ginunita at ipinagdiwang ang Eid al-Fitr sa kanilang Mosque at sa Quirino Grandstand na sinimulan sa isang congressional prayer at nagtapos sa gift-giving.
ni Ronaline Avecilla