Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JTZ naipuwesto si Atomicseventynine nang maayos

IBINUNTOT agad ni jockey  Jeff T. Zarate (JTZ) ang kabayong si Atomicseventynine sa largahan ng  2017 PHILRACOM “5th Leg, Imported/Local Challenge Race” nung isang hapon sa pista ng San Lazar.

Bago dumating sa tres oktabos (600 meters) ay hiningan ni Jeff nang bahagya ang sakay niya at kumusa naman si kabayo upang agawin ang bandera sa naunang kalaban na si Malaya ni Unoh Hernandez na medyo nakakaramdam na ng pagod. Pagsungaw sa rektahan ay lumayo ng may limang kabayong agwat  sa harapan si Atomicseventynine sabay biglaan naman na kumuha ng segundo puwesto sa labas si Adios Reality ni Pao Guce. Pagdating sa meta ay lalo pang lumayo sina Jeff sa pumapangalawa na dala ni Pao at sorpresang nakatersera si Oniel Cortez sa hinawakan niyang si Daiquiri Lass.

Tumapos ang pakarerang iyan ng 1;49.2 (10′-23′-24′-24′-26′) para sa distansiyang 1,750 meters at nakatanggap ng halagang P300,000.00 bilang gross prize ang proud owner na si Ginoong Joey C. Dyhengco mula sa tanggapan ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa pangunguna ni butihing Chairman Andrew Sanchez.

Sa karerang iyon ay nakatanggap din ng tropeo si Ginoong Dyhengco kasama sina Jeff Zarate na siyang rumenda at sa trainer niyang si Anthony Francisco. Siyempre pa pagdating sa koneksiyon na iyan ay hindi natin basta iiwan si upcoming trainer and former jockey Dante Salazar. Congrats sa inyo gentlemen at harinawa’y magpatuloy pa sa pagpapanalo ang inyong kuwadra.

Sa isa pang tampok na pakarera ng PHILRACOM na isang Sponsored Charity Cup Race, na magbibigay benepisyo para sa samahan ng Manila Police Department Press Corps. ay nanalo ang  kalahok na si Piskante na mahusay na naparemate ni Dunoy Raquel Jr., na sinimulang ayudahan ng husto mula medya milya (800 meters) hanggang sa makarating sa meta. Sumegundo sa kanya ang naantala at wala lang nadaanan sa may tres oktabos (600 meters) na si Wo Wo Duck ni Ryan Base.

Naorasan ang support race na iyan ng 1:27.6 (12′-24-24′-26′) para sa 1,400 meters na labanan.  Nakatanggap naman ng halagang P180,000.00 bilang gross prize ang may-ari kay Piskante na si Ginoong Hermie Esguerra mula sa tanggapan din ng PHILRACOM sa pangunguna ni butihing Chairman Andrew Sanchez na patuloy na sumusuporta sa industriya ng lokal na pakarera sa ating bansa. Congrats sa mga winners at mabuhay ang PHILRACOM.

REKTA’s GUIDE (Metro Turf/6:30PM):

Race-1 : (1) Janz Music, (4) Strike At Sunrise.

Race-2 : (3) Sea Master, (4) Mother Secret.

Race-3 : (6) Alki, (1) Sta. Monica One, (2) Mighty Miggy.

Race-4 : (1) Hook And Rules, (6) Heart Smart/Mayumi.

Race-5 : (4) Peter’s Pride, (5) Alakdan, (1) Whispering Hope.

Race-6 : (3) Allbymyself/Master Willie, (5) Suave Saint/Combaton.

Race-7 : (6) Wawrinka, (4) Mika Mika Mika/Formidable Foe, (5) Mr. Tatler.

Race-8 : (1) Musikera, (2) Fantastic Red, (4) Ring Success.

REKTA – Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fred Magno

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …