Monday , December 23 2024

P8-M shabu kompiskado Chinese nat’l arestado

TINATAYANG P8 milyon halaga ng shabu ang nakompiska sa isang Chinese national na si Niko Sy alyas Shi Yong Ming, hinihinalang miyembro ng transnational drug syndicate, inaresto sa anti-drug operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Pasay City. (ALEX MENDOZA)
TINATAYANG P8 milyon halaga ng shabu ang nakompiska sa isang Chinese national na si Niko Sy alyas Shi Yong Ming, hinihinalang miyembro ng transnational drug syndicate, inaresto sa anti-drug operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Pasay City. (ALEX MENDOZA)

ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Chinese national, itinuturing na miyembro ng big time drug syndicate, sa buy-bust operation sa lungsod ng Pasay, nitong Miyerkoles ng gabi.

Ang suspek na kinilalang si Niko Sy alyas Shi Yong Ming, pansamantalang tumutuloy sa isang lugar sa Malate, Manila, ay nahuli sa Macapagal Boulevard, malapit sa Solaire Casino Hotel.

Ayon kay PDEA Regional Director Wilkins Villanueva, bandang 10:00 pm, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa parking lot ng Harrison Plaza sa Maynila ngunit nakatunog ang suspek kaya binago ang lugar ng transaksiyon, sa Macapagal Boulevard, malapit sa Soilare Casino Hotel.

Sinabi ni Villanueva, isang tauhan niya ang nagpanggap na poseur buyer at nakabili ng P1 milyon halaga ng shabu mula sa suspek.

Nakuha ng mga awtoridad ang isa pang kilo ng shabu, kaya umabot sa dalawang kilo ang nakompiska mula sa suspek, na umaabot sa P8 milyon ang halaga.

Nakuha rin sa suspek ang P250,000 hinihinalang drug money at ang P1 milyon marked money na ginamit ng mga awtoridad sa buy-bust operation.

Ayon kay Villanueva, ang suspek ay sinasabing supplier ng droga sa Metro Manila.

Hindi binanggit ni Villanueva ang pangalan ng sindikato dahil patuloy ang kanilang operasyon laban sa iba pang mga kasama ng suspek.

Nakapiit ang suspek sa detention cell ng PDEA, at nakatakdang sampa-han ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *