Friday , November 15 2024

Patibong ni Alejano kinagat ng Kamara

00 Kalampag percyNAGHIHIMUTOK si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa pagka-kabasura ng impeachment complaint na kanyang inihain laban kay Pang. Rodrigo R. Duterte sa Kamara.

Pagkatapos na hindi lumusot at mabigong makakuha ng suporta sa House Committee on Justice ay nagbanta si Alejano na idudulog sa International Criminal Court (ICC) ang naibasurang reklamo at tutularan ang kagaguhang ginawa ng dalawang ‘testigo-palso’ na sina Edgar Matobato at Arturo Lascañas.

Ipinagyabang ni Alejano na kesyo siya raw ay elected o halal ng taongbayan kaya hindi aniya siya nababahala sakaling makasuhan sa Ethics Committee at matanggal sa Kamara.

Kabago-bago pa lang ni Alejano, akala mo kung sinong ‘cabal’ na politiko na agad makaasta, gayong isa lamang siyang nominee at party-list representative na ‘saling-pusa’ sa Kamara, kompara sa mga karaniwang deputado na direktamenteng ibinoto para kumatawan sa taongbayan.

Sa totoo lang, hindi na dapat nag-aksaya ng panahon ang Kamara sa inihaing impeachment complaint ni Alejano kung tutuusin.

Ang impeachment complaint ni Alejano sa Kamara ay ‘smokescreen’ lang sa paghahain niya ng ampaw na kaso sa ICC laban kay Pres. Digong, na umpisa pa lang ay nakaplano na talagang gawin.

Kumbaga sa krimen, sadyang ang paghahain ng kaso sa ICC ang talagang motibo ni Alejano at hindi ang walang substance at ampaw na impeachment complaint na kanyang inahain sa Kamara.

Naisahan pa tuloy ni Alejano ang mga congressman para maparatangang “rubber stamp” ni Pres. Digong ang Kamara at bigyang katuwiran ang pagdulog ng palsipikadong kaso sa ICC.

Sa kagustuhan kasing makapagsipsip ng mga damuhong mambabatas at makapagpakita ng loyalty kay Pres. Digong, nadale tuloy sila ng patibong ni Alejano.

‘PROTÉGÉ’ NI DE LIMA
 KANDIDATO SA CA?

NAKABABAHALA sakaling totoo ang nasagap nating balita na nasa listahan ang pangalan ng kontrobersiyal na chief persecutor, ‘este, chief prosecutor ng Maynila na si Edward Togonon sa mga kandidato para sa mababakanteng puwesto sa Court of Appeals (CA).

Si Togonon ay kasalukuyang pinapagpapaliwanag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II sa kaso ng apat na senior citizen na pinaniniwalaang biktima ng ‘tanim-droga’ sa Manila Police District (MPD).

Isa sa apat na senior citizen ang namatay habang ilegal na nakakulong sa headquarters ng MPD at ipinag-utos palayain ni Aguirre noong nakaraang linggo.

Pinagpapaliwanag ni Aguirre si Togonon kung bakit nanatili sa kulungan ang mga senior citizen kahit naibasura na sa Manila Prosecutor’s Office ang isinampang kaso ng MPD laban sa kanila.

Ang paboritong prosecutor ni dating DOJ secretary at suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima na si Togonon ay kabilang sa naitalagang miyembro ng pinagsanib na Fact Finding Committee ng DOJ at Commission on Elections (Comelec) na nag-imbestiga at nagsampa ng naibasurang kaso ng electoral sabotage laban kay dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo at iba pa noong 2011.

Bilang gantimpala sa kanyang ginampanang papel sa pagsasampa ng kaso laban kay GMA, si Togonon ay itinalaga ni dating Pang. PNoy na chief prosecutor ng Maynila sa rekomendas-yon ni De Lima at noo’y senate president Sen. Franklin Drilon.

Unang naitalaga sa puwesto bilang chief city prosecutor ng Muntinlupa si Togonon noong bago mapatalsik na pangulo si convicted plunderer Joseph “Erap Buang” Estrada.

Si Togonon na ang hepe ng Manila prosecutor’s office nang salakayin ng mga tauhan ng MPD Special Weapons and Tactics ang tanggapan ng kanilang mga kasamahang nakatalaga sa District Anti-Illegal Drugs (DAID) noong 2014.

Arestado ang 15 MPD ng DAID sa pangu-nguna ng kanilang hepe matapos masabat ang 5-Kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P25 mil-yon at iba pang ilegal na droga, at P50,000 cash sa kanilang locker.

Ayon sa pinakahuling balita na ating natanggap, wala pang naisasampang kaso ang tanggapan ni Togonon laban sa MPD 15 na ipinatapon lang sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Maipaliwanag kaya ni Togonon kay SOJ Aguir-re kung bakit tatlong taon na ay wala pang nailalabas na resolution ang Manila prosecutor’s office sa kaso ng MPD 15 hanggang ngayon?

Hindi lang natin tiyak kung totoo ang bali-balitang may kinalaman daw si “Ma’m Arlene” kaya napasama ang pangalan ni Togonon bilang kandidatong associate justice sa CA.

Santisima!!!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *