UMABOT sa 24 movie producers ang nagpahayag na gusto nilang sumali sa 2017 Metro Manila Film Festival sa December.
Ang mga nabanggit na producer ay ang Artikulo Uno Productions, Octo Arts Films, Viva Films, Premier Accounts, Cineko Productions, BG Productions, IDOLtap Productions, Actorsprime, Inc., T-Rex Productions, Quantum Films, Hollywood Ninja, Coco Martin Creative Productions, The Idea First Company, Teamwork Film Productions, Cinema Artist, APT Entertainment, Regal Entertainment, Inc., Culturtain Music, at Productions, Inc., Blackbest, Inc., Viva Films, HPI, K6 Productions, Star Cinema, at Reality Entertainment.
Nabanggit ng spokesperson at miyembro ng Execom na si Noel Ferrer na ang entry ni Coco Martin ay ang Panday na siya mismo ang gaganap at magdidirehe mula sa sariling produksiyon (CMCP).
Kasama rin ang pelikula ang Maruming Hangin ni Joel Lamangan; Ang Larawan na Nandito ni Rachel Alejandro; Citizen Jake ni Mike de Leon; Mindanao ni Gil Portes, at Regal Films/Idea First Company na My Fairy Tail Love Story ni Jun Lana.
Mag-uusap pa ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde at Idea First producers, Perci M. Intalan at Jun Lana kung kanino i-attribute ang pelikula, “ayaw naman natin na maging Regal Film fest, or Star Cinema film fest,” katwiran ni Noel.
Kahapon naman, Mayo 10 ang last day ng pagbibigay ng letter of intent para sa mga nabanggit na movie producers.
“So whether finished film or script, malalaman natin sa submission na lang. But yesterday is the deadline for letter of intent sa pagsali,” say pa ni Noel.
Sa Hunyo 15, 2017 naman ang deadline ng submission of script at ang mapipiling Magic 4 ay iaanunsiyo sa Hunyo 30.
Ang deadline ng submission of finished film entries and other required documents including clippings/teaser not later than 5:00 p.m. ng October 2 (early bird) until October 30.
Ang deliberasyon naman ng selection committee ay simula Oktubre 3-16 at ang pag-anunsiyo ng apat na official finished films entries ay sa Nobyembre 17 at ang submission ng cash bond na P500,000, at MTRCB ratings ay sa Disyembre 1.
FACT SHEET – Reggee Bonoan