Monday , December 23 2024

10.4-M Pinoys jobless

ANG iba’t ibang grupo ng mga manggagawa na nagmartsa patungo sa Mendiola, San Miguel, Maynila, bitbit ang effigy ng buwitre, may disenyong inihalintulad sa watawat ng US, upang doon magsagawa ng programa para sa pagdiriwang ng Labor Day kahapon. (BONG SON)
ANG iba’t ibang grupo ng mga manggagawa na nagmartsa patungo sa Mendiola, San Miguel, Maynila, bitbit ang effigy ng buwitre, may disenyong inihalintulad sa watawat ng US, upang doon magsagawa ng programa para sa pagdiriwang ng Labor Day kahapon. (BONG SON)

TINATAYANG 10.4 milyong Filipino ang nanatiling walang trabaho sa unang quarter ng 2017, ayon sa inilabas na resulta ng opinion poll, kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa unang Labor Day sa ilalim ng admi-nistrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon din sa nasabing survey ng Social Weather Stations (SWS), isinagawa mula 25 hanggang 28 ng Marso, bumaba ang “net optimism” sa mga bakanteng trabaho.

Napag-alaman sa survey na inilabas nitong Lunes, 22.9 porsiyento ng 1,200 adults nationwide ang jobless, 2.2 puntos na mababa kaysa 25.1 porsiyento o tinatayang 11.2 milyon jobless adults na naitala noong December 2016 poll.

Ayon sa SWS, ang “joblessness” ay sakop ang mga walang trabaho sa kasalukuyan at mga naghahanap ng trabaho.

Kabilang din dito ang “unemployed individuals” na hindi naghahanap ng trabaho, katulad ng mga misis at mga estudyante.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *