Monday , December 23 2024

Agham road sinakop ng Kadamay

 INOKUPAHAN ng mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang Agham Road sa Quezon City bilang paghahanda sa paglahok sa kilos-protesta sa Labor Day ngayong araw. (RAMON ESTABAYA)

INOKUPAHAN ng mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang Agham Road sa Quezon City bilang paghahanda sa paglahok sa kilos-protesta sa Labor Day ngayong araw. (RAMON ESTABAYA)

LIBO-LIBONG mga miyembro ng urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang lumatag at inokupahan ang Agham Road sa Quezon City bilang paghahanda sa kilos protesta sa Labor Day.

Sinabi ni Carlito Badion, secretary general ng Kadamay, nasa 5,000 miyembro ang nagtipon-tipon sa northbound lane ng Agham Road.

Nabatid sa ulat, sini-mulan okupahin ng mga miyembro ng Kadamay ang nasabing lugar nitong Sabado ng gabi.

Ang mga miyembro ng grupo ay nagtayo ng tent at doon natulog.

Ayon kay Budion, mananatili sila roon at aalis ngayong Lunes para lumahok sa kilos-protesta.

Samantala, pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga moto-rista na iwasan ang Agham Road, na sarado na dahil inokupahan ng mga miyembro ng Kadamay.

3,000 PULIS ITATALAGA
SA LABOR DAY
PROTESTS – NCRPO

KINOMPIRMA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Oscar Albayalde, nasa 3,000 pulis ang kanilang ide-deploy para magbigay seguridad lalo sa magsasagawa ng kilos protesta ngayong Labor Day.

Sinabi ni Albayalde, ang 2,000 pulis ay magmumula sa Manila Police District (MPD), habang ang 1,000 ay mula sa Regional Public Safety Battalion.

Sinabi ni Albayalde, kahit tapos na ang ASEAN Summit, nananatiling nasa full alert status ang Kalakhang Maynila hanggang ngayong 1 Mayo, Labor Day.

Una rito, inihayag ng labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU), 3,000 miyembro nila ang magsasagawa ng kilos protesta na sasamahan ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na 5,000 ang mga miyembro.

Pagtiyak ng PNP, maximum tolerance ang kanilang ipatutupad laban sa mga raliyista.

Ayon sa heneral, kanilang inirerespeto ang mga rally basta huwag lamang manakit at manira ng mga ari-arian.

Inilinaw ni Albayalde, puwedeng magsagawa ng kilos protesta ang mga militanteng grupo sa freedom parks, kabilang ang Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Aniya, mahigpit na i-pinagbabawal ang pagsasagawa ng rally sa harap ng United States Embassy sa bahagi ng Roxas Boulevard.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *