Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, iniyakan ang makinilyang regalo ni Echo

INIYAKAN ni Bela Padilla ang regalo ng leading man niya sa Luck at First Sight na si Jericho Rosales. Isang makalumang  makinilya ang ibinigay sa kanya ng aktor noong last shooting day.  Matagal nang naghahanap si  Bela ng ganoong klaseng typewriter.

”’Yung last day gift niya sa akin, sobrang iniyakan ko sa bahay. Puwede ko bang sabihin?” paalam niya kay Echo at um-okey naman ang aktor.

Taong 1950 pa  ang typewriter ayon kay Echo. Nang tanungin kung mahal ba ito?

“It’s more of the gesture kasi. Sa level ng pagkakuripot ni Bela, generous na ako,” pakli niya na tumatawa.

Samantala, parehong malungkot ang dalawa habang ginagawa ang Luck at First Sight. Kabi-break lang niya noon kay Neil Arci at si Echo naman ay namatayan  ng ama. Pero hindi naapektuhan ang trabaho nila.

Inamin pa ni Echo na nasira niya ang isang tent sa shooting nang mamatay ang father niya dahil hindi niya nakontrol ang feelings niya. Nasa Bulacan sila noon at gusto pa sana niyang ipagpatuloy ang shooting pero sina Direk Dan Villegas na ang nagsabi na puntahan na niya ang ama niya at huwag nang tapusin ang shooting.

Kuwento pa niya, nag-long ride sila ng mga barkada  niya ng 1,800 km sa loob ng dalawang oras sa pamamagitan ng pagsakay ng motorsiklo.

“Pinuntahan ko ‘yung San Juanico Bridge na nagpunta si Papa, kinunan ko ng litrato, iniiyak ko lahat doon sa tulay. Bumalik ako ng Manila, I came back a better person, a stronger person, and I understand my father even more,” deklara pa niya.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …