Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julianne Richards, inaakusahang ginagamit si Alden

NAGMARKA agad ang apelyido ng Viva Artist na si Julianne Richards nang makatsikahan namin sa kanyang charity show sa Starmall, San Jose Del Monte, Bulacan.

Nilinaw niya agad na hindi niya kaano-ano si Alden Richards at tunay niya itong apelyido.

Australian ang father niya at isang Pinay naman ang mother niyang si Imelda. Solong anak siya.

Hindi  siya nakiki-ride on sa popularity ni Alden para gamitin ang apelyido nito.

Ignore na lang niya ang mga  basher ‘pag inakusahan siyang ginagamit niya si Alden.

Si Julianne ay  nanalong Miss Teen Tourism World Australia 2017 at naging Miss Teen Australia Charity Princess din  kaya patuloy pa rin siyang aktibo sa mga charity event.

Makikipag-compete siya sa Japan sa October bilang representative ng Australia sa Miss Teen Tourism World.

Lumaki sa Sydney si Julianne at tatapusin muna ang commitments niya at studies. Paalis na siya this week sa Australia.

Babalik  din siya sa ‘Pinas ngayong Oktubre para maging aktibo sa showbiz. Next year balak din  niyang sumali sa Binibining Pilipinas.

Paborito  niya si Yassi Pressman dahil idol niya ito sa pagsasayaw. Hataw dinh sumayaw si Julianne nang mapanood namin siya sa Star Mall para sa kanyang dance medley. Grabe ang energy niya at lambot ng katawan sa pagkendeng.

Crush niya ngayon si Enrique Gil. Dati ay si Daniel Padilla. Noong makita niya sa personal si Enrique ay lumipat na rito ang paghanga niya.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …