Monday , December 23 2024

P1-M bawat ulo ng ASG — Digong

042017_FRONT

ISANG milyong piso ang pabuya sa sino man makapagtuturo o makapa-patay sa anim na teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na pinaghahanap sa Bohol.

Sinabi ng Pangulo sa Tagbilaran City, ang utos niya sa pulis at sa lahat ng residente ng lalawigan na intersado na labanan at patayin ang mga tero-ristang nagtatago sa kanilang lugar.

“My orders to the police and to the lahat, and even to the civilians who are interested they should do fight and kill, ang order ko is dead or alive. Kaya yung anim na terorista, maybe scouring the safety nets kung saan sila maka-landing, I have a P1 million offer per person ako. Tip lang: bigay mo sa pulis pati sa military, no questions asked, we’ll not even give you names. Sabi mo lang kung saan sila then gobyerno na ang bahala,” aniya.

Anang Pangulo, ang pakay ng ASG sa Bohol, bukod sa isabotahe ang ASEAN meeting roon ay maghanap ng mga kikidnapin at ibebenta sa ibang grupo hanggang umabot sa Jolo at ipatutubos sa kamag-anak.

Hinikayat ni Duterte ang mga sibilyan na mag-armas at tumulong sa mga awtoridad na linisin ang lipunan sa mga kri-minal, gaya ng mga terorista at durugista.

“Well, I’m not at li-berty because of the talk to the local officials. There are matters of objections so I would like to hear first what would be, in such an institution where we arm the civilians. Ako, I also encourage civilians to kill kasi dead or alive man yan, may reward. Pero mas gusto ko dead kasi yung alive, may pakain pa ako, ma’am. Magastos pa ‘yun,” giit niya.

Noong nakalipas na linggo ay nag-enkuwentro ang militar at ASG nang magtangka ang mga te-rorista na umatake sa Bohol na ikinamatay ng siyam katao.

ni ROSE NOVENARIO

Para magapi ang ASG
DUTERTE SA AFP:
INVADE JOLO,
FINISH THEM ALL

HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na utusan ang Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) na sakupin ang Jolo para gapiin ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

“E putang ina nila kung ano gusto nila ibi-gay ko mahirap ang gobyerno na washi washi. I will invade Jolo,” anang Pangulo makaraan ang security briefing sa Tagbilaran City Bohol hinggil sa enkuwentro ng militar sa ASG kamakailan.

“Invasion na lang, maraming madidisgrasya, civilian, bayan, ‘pag naipit na bayan invasion of Jolo, punta na lahat militar, army, navy, air force. ‘Yan ang gusto nila ibibigay ko. Sabihin ko sa military finish the game,” banta ng Pangulo sa ASG.

Ipinagmalaki ni Pa-ngulong Duterte, may mahusay na intelligence network at kagamitan ang AFP para matukoy ang kuta ng ASG.

Sa panayam sa Tagbilaran City kahapon, si-nabi ni Duterte, gagamit ng drone satellite ang mi-litar at kapag natukoy nito ang target ng operas-yon ay saka ibabagsak ang bomba.

“Tag ka ng Navy, ‘pag positive pasabugin na, kanyunin na wasakin mo, wala man, makakita isda lang,” anang Pangulo.

Noong nakalipas na Enero ay naglunsad ng “surgical operation” ang AFP Western Mindanao Command (Westmincom) sa tulong ng tropang Amerikano, sa Butig, Lanao del Sur, at binagsakan ng bomba ng FA-50 jets ang lungga ng ASG.

Ang “surgical operation” ay nangangahulugan na tukoy ang targets.

Batay sa ulat ng militar, ang tinumbok ng operasyon ay kuta ni ASG leader Isnilon Hapilon, at magkakapatid na  Abdullah, Omar at Otto Maute, at iba pang dayuhan na kasapi nila.

Batay sa inisyal na ulat, namatay sa nasa-bing operasyon si Hapilon at isang Malaysian national.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *