TUGUEGARAO CITY – Nagsimula nang magbigay ng safe conduct pass para sa lahat ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang Kalinga-Philippine National Police (PNP) at 50th Infantry Battalion.
Ang safe conduct pass ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga NPA na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Semana Santa, na magtatagal hanggang 16 Abril.
Ang mabibigyan ng safe conduct pass ay mga miyembro ng CPP-NPA-NDF na walang nakabinbing warrant of arrest.
Nakasaad din dito ang pangalan at lugar na bibisitahin ng mga rebelde.
Ipinaalala ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang nasabing safe conduct pass ay bilang “identification” at hindi dapat gamitin para ma-libre sa pasahe.
Makukuha ang safe conduct pass sa PNP stations at patrol based ng Philippine Army sa buong bansa.