Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tax evasion vs oligarchs isusulong ni Digong

040717_FRONT
NAWALAN nang bilyon-bilyong piso ang kaban ng bayan dahil hindi nagbabayad nang tamang buwis ang mga “oligarch” kasama ang pamilya Prieto, na inabsuwelto ng administrasyong Aquino sa pagbabayad ng buwis.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, inayos ni dating Bureau of Internal Revenue (BIR) chief Kim Henares ang mga buwis na dapat bayaran ng mga Prieto, may-ari ng Philippine Daily Inquirer (PDI), at Dunkin Donuts.

“Inquirer ang may-ari ng Dunkin’ Donuts. Alam mo ba ‘yan? At may utang ‘yan sila na taxes inayos ni Kim Henares. Walang ibinayad o nagbayad nang konti lang. Iyan ang totoo na mga oligarchs na mga mayaman. Sila ‘yun, they control the airwaves. Sila ‘yung nagfi-feed ng balita na basura. Sila ‘yan,” aniya.

Sa Lunes ay simula na ang seryosong pagkalkal ni Pangulong Duterte sa mga record ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang malaman kung sino ang mga oligarch na nanloloko sa pagbabayad ng buwis.

Katuwiran ng Pangulo, kailangan ng gobyerno ng pondo para maipagkaloob ang mga batayang serbisyo sa mga mamamayan.

“Ang Inquirer may utang ‘yan na running to billion. Kaya Monday, I will — not only Inquirer — I will give them a deadline. I need money to run this country. I need mo-ney to build houses.I build, you know, I build. Hindi ako ‘yung… Gawain nila akong extrajudicial killing? Noong mayor ako I build a city. Now, it’s really I build a country,” aniya.

Noong 2014, naghain ng reklamo si Othello Delanon, dating BIR exami-ner, laban kay Henares dahil tinulugan ang P1.5 bil-yon tax deficieny case ng Golden Donuts, Inc., exclusive Philippine franchisee ng Dunkin Donuts, na pagmamay-ari ng pamil-ya Prieto.

Ang PDI ng mga Prieto ay pangunahing kritiko ng administrasyong Duterte, at napabalitang suportado ang katunggali niyang si Mar Roxas noong 2016 presidential polls.

ni ROSE NOVENARIO

Paid ads ‘di inilabas
ABS-CBN INONSE
SI DUTERTE

INONSE ng media outfit ABS-CBN si Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng 2016 presidential election campaign.

Imbes isahimpapa-wid ang political advertisement ni noo’y presidential candidate Duterte, tinanggap lang ng ABS-CBN ang bayad niya ngunit hindi ini-ere ang kanyang anunsiyo at hanggang ngayo’y hindi pa ibinabalik ang pera.

Ito ang himutok ni Pangulong Duterte sa ABS-CBN network na pagmamay-ari ng pamil-ya Lopez na aniya’y oligarch.

“I have said a mouthful against ABS-CBN sabi ko abangan n’yo ako sa labas putang-inang mga oligarch ‘yan, alam n’yo ba ‘yang ABS-CBN nagbayad ako kasi nagkapera ako no’ng last days na lumakas na ang survey I was hitting 32,” aniya sa ambush interview sa Western Command.

“Everybody was gi-ving me money one of those who offered money si Lucio Tan, I did not accept it, bumili ako propaganda tayo ‘yung putang inang ABS-CBN na ‘yan tinanggap nila pera ko, they never showed mine. Hanggang ngayon wala namang  offer to reimburse or return the mo-ney ganoon kawalanghiya ‘yung mga putang inang oligarchs na ‘yan,” gigil na wika ng Pangulo.

Kuwento ng Pangulo, imbes iere ang binayaran niyang political ads, ang black propaganda laban sa kanya ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ipinalabas ng ABS-CBN gamit ang mga bata kaya naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang hukuman laban dito.

“May TRO sinabi ng court do not show it ‘yung mga batang ginamit ni Trillanes which is really against the law ‘yung ginamit nila mga bata ‘wag ‘yan kaso you know that is child abuse that is why a TRO only ABS-CBN ang hindi naniwala ok lang ‘yan. Tinanggap ‘yung pera ko ‘di naman pina-labas na short propaganda ko nabili baka maka-tulong,” anang Pangulo.

Matatandaan, hiniling ni Sen. Alan Peter Caye-tano ang TRO matapos iere ng ABS-CBN ang isang bayad  na anti-Duterte advertisement ni Trillanes na nagpakita ng pagmumura nito pati ang kontrobersiyal na rape joke na may kasamang mga bata.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …