KINOMPIRMA ni Rochelle Pangilinan sa isang interview na tuloy na tuloy na ang kasalan nila ng long time boyfriend niyang si Arthur Solinap ngayong taong ito.
Pero hindi pa sila sure sa eksaktong date. Na dapat sana ay itong August, kaya lang tag-ulan na ang buwang ito.
Sa Tagaytay sila magpapakasal. At isa itong garden wedding.
Kaya sa Tagaytay nila naisip magpakasal ay dahil bukod sa paborito niyang lugar ito ay dito rin niya madalas dinadala ang kanyang ama noong nabubuhay pa ito. At naging memorable rin ito sa kanya dahil dito niya sinagot si Arthur. Ang ilan sa magiging wedding entourage nila ay ‘yung mga nakatulong sa kanya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz gaya ni Malou Choa Fagar, Tito and Vic Sotto, at Joey de Leon. (Si Joy Cancio ba ay kasama sa mga ninang nina Rochelle at Arthur?—ED)
MA at PA – Rommel Placente