Sunday , December 22 2024

82% ng taga-Metro Manila pabor sa drug war ni Duterte — Palasyo

LUBOS ang pagtanggap ng mga mamamayan sa drug war ng administrasyon taliwas sa ipinipintang lagim at kawalang pag-asa ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey, na mahigit 8 sa sampu o 82 porsiyento ng mga residente ng Metro Manila ay nakaranas na mas ligtas sila ngayon sa mga lansangan, na resulta ng kampanya ng gobyernong Duterte kontra-illegal drugs.

“We are pleased with the latest Pulse Asia survey showing that more than 8 out of 10 residents of Metro Manila now feel safer in the streets as a result of the government’s drive against illegal drugs.  The Administration’s drug war is well-received by the people on the ground in sharp contrast to the gloom and hopelessness depicted by the President’s critics,” ani Abella.

Ang paborableng sentimyento aniya ay nagpapasigla at nagpapalakas sa pagpupursige sa anti-drug campaign at umaasa ang Palasyo na ipagpapatuloy ang koo-perasyon sa mga pamayanan, at suporta maging ng mga taong Simbahan , lalo sa implementasyon ng rehabilitation program ng Tokhang surrenderers.

“This favorable public sentiment gives us strong impetus to surge ahead in our anti-drug campaign and hope that we continually get the cooperation of the community, and even support of the clergy, especially in the implementation of a rehabilitation program for Tokhang surrenderers,” dagdag ni Abella.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *