Monday , December 23 2024

CIA sablay kay Digong

032117_FRONT
SUMABLAY ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika sa akala na madaling takutin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Myanmar kamakalawa ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte, hindi siya natatakot na ipatumba ng CIA dahil sa pagbuo ng independent foreign policy, makaraan mairita sa pakikialam ng administrasyong Obama sa kanyang drug war.

Nagkamali aniya si dating US President Barack Obama nang takutin na ipa-kulong siya at putulin ang “aid” sa bansa kapag hindi niya itinigil ang patayan bunsod ng drug war.

“I made the correct decision. Hayaan mo na  ‘yang Amerikano, hayaan mo lang ‘yang mga pro-Americans diyan. Hayaan mo na ‘yang CIA kung gusto nila akong patayin. Okay lang ‘yan, sige pasabugin nila erop-lano ko tutal marami naman kami. Walang problema sa akin ‘yan, basta gagawin ko ang dapat kong gawin. The greatest sometimes mistake even sa military, military gang is miscalculation. Hindi nila… na-miscalculate nila ako. Kaya akala nila sigu-ro takutin nila ako ng preso tapos si Obama titi-ndig sa harap diyan na… Sabi ko, ano pakialam mo? Letse ka. You can go to hell. Tapos sikat pa ako ngayon kasi pinu******a ko ‘yung mga leader, mga p*******a ninyong lahat,” anang Pangulo.

Kamakailan, ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na si American billionare George Soros at Fil-Am lawyer millionaire Loida Nicolas-Lewis, ang nagpopondo sa mga plano at hakbangin para pabagsakin ang kanyang administrasyon.

Napaulat na si Soros ang nagpondo sa Drug Reform Coordination Network (DRCNet) Foundation, sponsor ng forum sa Vienna, Austria, na pinaglabasan ng video message ni Vice President Leni Robredo, na bumatikos sa drug war ng gobyernong Duterte.

Si Soros ay nahaharap sa imbestigasyon sa US senate bunsod nang pagpopondo sa non-government organizations (NGOs) at left-wing groups sa Macedonia para patalsikin ang administrasyon ni President Gjorge Ivanov.

Base sa ulat, nakatanggap nang milyon-mil-yong dolyar ang mga organisasyong konektado sa Open Society Institute ni Soros, mula sa US Agency for International Development, at ng State Department noong administrasyong Obama.

Kamakailan, nagpa-dala ng liham ang Republican senators kay Secretary of State Rex Tillerson, at humihirit na siyasatin ang paglalaan ng pera ng bayan ng Obama admi-nistration sa mga organi-sasyon ni Soros.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *