Saturday , April 26 2025

Babala sa mayors: Death or martial law — Duterte

031517_FRONT
NAGBABALA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, sa mga mayor sa buong bansa, na magdedeklara ng martial law o maharap sa kamatayan kapag hindi kumilos para sugpuin ang illegal drugs at kriminalidad.

Sa kanyang talumpati sa General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP), sa harap ng halos 1,400 alkalde, sinabi niyang kailangang personal na pangasiwaan ng alkalde ang pulisya para ipatupad ang batas, upang mapanatili ang peace and order sa kanilang lugar.

Banta niya sa mga mayor, huwag papasok sa sindikato ng drugs upang hindi siya mapilitan na ipasagasa sila sa military truck o barilin.

“Maski sino, huwag na huwag kayo pumasok diyan (drug syndicate) , it’s either banggain ko kayo ng 10x 10 truck or swssshhh,” anang Pangulo habang iminumuwestra ang kamay na korteng baril.

Tiniyak ng Pangulo, kapag hindi sinugpo ng mga alkalde ang kriminalidad o terorismo sa bahagi ng Mindanao, mapipilitan siyang ideklara ang batas militar, at tatapusin niya ang problema.

Giit niya, hindi tama na walang kibo ang lider ng isang bayan habang ginagawa ng mga kaaway ng batas ang panggugulo sa katiwasayan ng pamayanan, gaya nang pambobomba sa mga lugar na ikinamatay ng mga inosenteng sibilyan.

“I do not want a martial administration , it stinks pag sobra ang abuso at ang mga anak natin at mga inosente , you’ll  force my hand into it  And if I declare martial law, I see to it na lahat ng problema sa Mindanao ay tatapusin ko. So do not force me to go there, that is the path that I hate to travel,” aniya.

Banat niya sa human rights groups na madalas siyang batikusin sa isyu ng extrajudicial killings, mas pahalagahan ang karapatan ng mga pangkaraniwang tao.

“Kayong mga human rights groups , dapat ang may karapatan ay mga pangkaraniwang mamamayan at hindi mga kriminal,” dagdag ng Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *