Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong sa PMA grads: Magbalik-tanaw sa pinagmulan

GINAWARAN ng parangal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Class Salaknib (Sanggalang ay Lakas at Buhay Na Alay Para sa Kalayaan ng Inang Bayan) sa PMA Academy sa Fort Del Pilar, Baguio City kahapon. (JACK BURGOS)
GINAWARAN ng parangal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Class Salaknib (Sanggalang ay Lakas at Buhay Na Alay Para sa Kalayaan ng Inang Bayan) sa PMA Academy sa Fort Del Pilar, Baguio City kahapon. (JACK BURGOS)

MAGBALIK-TANAW sa pinanggalingan at sa mga mamamayan upang makaiwas sa tukso ng korupsiyon.

Ito ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Class Salaknib (Sanggalang ay Lakas at Buhay Na Alay Para sa Kalayaan ng Inang Bayan) na nagtapos kahapon sa PMA Academy sa Fort Del Pilar, Baguio City.

“It is not only your enemies, but the entire world, that will test, tempt, corrupt and pressure you. But as long as your hearts and minds remain in the right place whom you have pledged to serve, remember your roots and remember the people,” anang Pangulo sa kanyang kauna-una=hang talumpati sa PMA graduation day bilang Commander-in-Chief.

Halos kalahati na ng kanyang talumpati ay napansin ng Pangulo na hindi pala niya binati sa umpi-sa ng kanyang speech si Vice President Leni Robredo, na isang silya lang ang pagitan sa kanya sa entablado.

“I apologize, ma’am. It was not done. Can you give the tikas pahinga? Pakibi-gay ng tikas pahinga.

Ang nagsulat Ma’am dito hindi ka sinali. Bugbugin na lang natin… I would like to apologize and acknowledge the presence of this beautiful lady, the Vice President of the Republic of the Philippines.  Sorry, ma’am ha. Nawala na ako tuloy, Ma’am,” sabi ng Pangulo na ikinatuwa ng mga tao.

Matatandaan, nagbitiw sa gabinete si Robredo noong Disyembre 2016, nang pagbawalan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte, na dumalo sa pulong ng gabinete bilang housing czar.

Pinasalamatan ng Pa-ngulo ang mga sundalo sa kanilang katapatan sa watawat ng Filipinas, ga-yondin sa mga nagsakri-pisyo, at nanganib ang buhay sa pagtatanggol sa soberanya ng bansa.

Tiniyak ng commander-in-chief, susuklian ng gobyerno ang kagitingan at hindi matatawarang tapang ng mga kawal sa pagbibigay sa kanila ng mga kaukulang suporta at mga insentibo.

“Rest assured that the government will reciprocate your valor and your unwavering courage by providing you with all the necessary support and incentives. This administration will give you and your fami-lies the services, bene-fits and entitlements that you rightfully deserve,” dagdag ng Pangulo.

Bibigyan aniya ng kanyang administrasyon ng kaukulang kagamitan at armas, partikular ang body armors, helmets, at rifles, gayondin ang maiigsing armas ang mga sundalo upang maipagtanggol ang kanilang sarili kahit off-duty na.

“In the next two to three years, the AFP will have flight simulators, radars, support, patrol and assault vehicles as well as new surveillance and fighter aircraft so that you can better patrol our borders and guard our seas,” aniya.

Walo sa Top 10 ng PMA Class Salaknib ay pawang babae, sa pangu-nguna ng topnotcher na si Cadet First Class Royi Mariel Martinez ng Cabanatuan City.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …