Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marcus, si Michelle ang crush at ‘di si Magui

MAY intriga agad kay finalist ng Pinoy Boyband Superstar at bagong ambassador na si Markus Paterson nang tanungin kung totoong nanliligaw siya sa half sister ni Daniel Padilla na si Margaret Ford Planas at dumadalaw ito sa bahay.

Nilinaw niya na nagyaya si Karla Estrada (ina nina Daniel at Margaret) noong mag-guest ito sa Magandang Buhay na minsan ay dumalaw ito sa bahay nila. Kaibigan niya si Daniel at nagkakilala sila noong mag-host ito ng ASAP Chillout.

“Nagulat din po ako kasi I’m just trying to be friendly with the family, to get to know everyone naman,” bulalas niya.

Posible bang manligaw siya kay Magui (palayaw ni Margaret)? Inuuna  niya ang friendship sa buong pamilya at hindi pa pumapasok ‘yun sa utak niya.

Basta nagkakasundo sila ni Magui dahil pareho silang naglalaro ng football. Nagsi-share sila ng common interest pero hindi dumarating sa point para ligawan ito.

Pinabulaanan din niya na may nililigawan siya ngayon. Pero si Michelle Vito ang showbiz crush niya.

Pakiramdam niya ay blessed din siya kahit hindi siya winner ng Pinoy Boyband Superstar dahil may BNY siya na ini-endorse kasama ang kapwa winner niya sa BNY Search For The NextGen Ambassador na si Nicole Grimalt. Excited siya sa journey na ibibigay ng BNY family na kinabibilangan nina Barbie Forteza, Jake Vargas, Joshua Garcia, at Michelle Vito.

Sinabi rin niya na hindi siya naiinggit kung may album na rin ngayon ang mga limang winners ng Pinoy Boyband (kilalang BoybandPH).

Proud siya sa mga kasamahan niya. Inspirasyon ito sa kanya na balang araw ay magkaroon din siya ng sariling album.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …