Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Markus, itinangging nililigawan ang kapatid ni Daniel

NOONG Linggo ay inilunsad na bilang pinakabago at dagdag na ambassador ng BNY sina Markus Paterson at Nicole Grimalt pagkatapos manalo sa BNY Search for the NextGen Ambassadors last year na ginanap sa Kia Theater.

Si Markus ay naging finalist ng Pinoy Boyband Superstar. Kahit hindi siya pinalad na mapabilang sa limang nanalo para maging bahagi ng BoyBandPh, ay okey lang ‘yun sa kanya. Inisip niya na lang na may nakalaang iba pa para sa kanya.

“Noong natanggal ako, okay lang kasi may plano naman si Lord sa akin. Kaagad ngang dumating ‘yung opportunity nang manalo ako and became a BNY ambassador.”

Malaking boost nga ito para sa kanyang showbiz career.

“Of course, iba kapag may endorsement ka na, ‘di ba?”

Ipagpapatuloy pa rin ni Markus ang pangarap niyang maging isang singer.

“I’ll try my best to pursue that,” aniya pa.

Samantala, nilinaw ni Markus na hindi totoo ang mga lumalabas na balita na nililigawan niya ang half sister ni Daniel Padilla na si Magui.

“I’m just going there kasi kaibigan ko naman si Daniel, pero hindi ko talaga nililigawan ‘yung kapatid niya. Nagulat din po ako kasi I’m just trying to be friendly with the whole family, not just Daniel,” paliwanag pa ni Markus.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …